Janice breaks into tears when asked about future wedding plans |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 09, 2012 8:41 PM | |
Bumuhos ang emosyon ng actress-TV host na si Janice de Belen sa special birthday interview na ipalalabas ngayong Sabado (Nobyembre 10) sa top-rating at Twitter trending showbiz talkshow ng ABS-CBN na "Showbiz Inside Report"
Sa espesyal panayam ng kanyang anak sa "Budoy" na si Gerald Anderson, buong pusong inilahad ni Janice ang nilalaman ng kanyang puso bilang isang ina, aktres, at babaeng nagmamahal.
At nang tanungin si Janice ni Gerald kaugnay ng buhay pag-ibig nito at kung may balak pa itong magpakasal muli, hindi naiwasan ng aktres na mapaluha habang sumasagot.
"Siguro ang mission ko talaga sa mundo is to be a parent," pahayag ni Janice. "Risk everything ako pagdating sa love. It's supposed to be the best thing in the world pero dapat sarili mo muna mahalin ang mo."
Bukod sa birthday special para kay Janice, tampok rin sa "Inay ng buhay ko" episode ng "SIR" ang actor-TV host na si Luis Manzano at ang "Aryana" tween star na si Ella Cruz. Paano pinrotektahan si Luis ng kanyang inang si Vilma Santos ng harapin nito ang pagsubok ng pakikipaghiwalay kay Edu Manzano? Gaano kalaking bahagi ng tagumpay ni Ella ang kanyang ina?
Huwag palampasin ang never-before-heard revelations nina Janice, Luis, at Ella sa top-rating at trending Saturday entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage nawww.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.
Related Links and Articles


