Pop-tastic surprises ang sunod-sunod na pasasabugin ng “ASAP 2012” ngayong Linggo (Nobyembre 11) sa engrandeng revelation ng big winners ng ‘2012 ASAP Pop Viewer’s Choice Award;’ grand launch sa ASAP all-star Christmas OBB; at selebrasyon sa pagdating ng pinakabagong ASAP Kapamilya.
Makikisaya sa ASAP awarding ceremony para sa mga kategoryang Pop Music, Pop Music Video, Pop Movies, Pop Astig, at Pop Kapamilya TV ang unkabogable box-office goddess na si Vice Ganda; “Be Careful With My Heart” lead stars na sina Mutya Orquia, Janella Salvador, Jerome Ponce, Sabel, at Doris; former child actress na si Matet de Leon; popular na komedyanteng si Ate Gay; at celebrity siblings na sina Anthony at David Semerad.
May royal visit ang Teleserye Queen at “MasterChef: Pinoy Edition” host na si Judy Ann Santos bitbit ang kapanapanabik at 'delicious' treat niya sa TV viewers. Magpapasaya rin ang all-star cast ng newest Star Cinema offering at 20th anniversary movie ng Star Magic na “24/7 In Love” tampok sina Piolo Pascual, Sam Milby, Diether Ocampo, Maja Salvador, Pokwang, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Gerald Anderson, at Kim Chiu.
Back-to-back celebration naman ang matutunghayan sa bonggang birthday bash ng “Kung Ako’y Iiwan Mo” leading lady na si Shaina Magdayao; na susundan ng pinakaaabangang pagsalubong sa pinakabagong miyembro ng ASAP Kapamilya.
Tiyak na aapaw ng kilig at saya sa centerstage dahil sa surprise production number na ihahandog ng “Princess and I” teen stars na sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at Khalil Ramos, kasama ang “Pinoy Big Brother Teen Edition 4” ex-housemates na sina Karen Reyes at Ryan Boyce.
Samantala, world-class talent ang muling masasaksihan sa ASAP concert stage sa makatindig-balahibong performance ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha kasama ang ASAP mainstays na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at ZsaZsa Padilla; na susundan ng makatindig-balahibong musical treat mula kina Vina Morales, Erik Santos, Jed Madela, Nikki Gil, Karylle, Sofia Andres, Anja Aguilar, Jeric Medina, ASAP Pinoy Champs, at ng ASAP Sessionistas.
Tunghayan din ngayong Linggo ang pop-bulous dance moves sa makapigil-hiningang Supahdance showcase na inihanda nina Cristine Reyes, Jessy Mendiola, John Prats, Enchong Dee, Iya Villania, Bugoy Cariño, at Jake Cuenca.
Makikanta, makisayaw, makisaya at maki-showdown sa "ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.
Related Links and Articles



