"Goin' Bulilit" kids magpapatawa sa Malaysia! |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 10, 2012 10:27 PM | |
Abangan ang kanilang gags na “Beryaja Theme Park”, “Kidszania” at “Use it”. Matatakam naman ang mga manonood sa pagtikim ni Mutya sa iba’t-ibang street foods ng Malaysia sa segment na “That’s a Lasa Nonsense by Mutya”. Magbabalik din ang kikay na sina Belinda at Blythe sa “Ask Girls” at mapapaindak ang lahat sa pagsayaw ng mga bulilit sa awitin ni J.Lo na “Dance Again”.
Samantala, numero uno sa ratings ang pulis episode ng “Goin Bulilit” noong nakaraang Linggo (November 4) at pumangalawa ang dating nangungunang “Rated K Handa Na Ba Kayo?” nang makatanggap ang kiddie gag show ng 25.8% average audience share base sa urban and rural audience measurement data ng Kantar Media. Tinalo ng kids ang mga katapat na “Pepito Manaloto Ang Tunay na Kwento” ng GMA na nakakuha ng 20.5% at “Pinoy Explorer” ng TV5 na nakatanggap ng 8.8%.
Muling matawa sa top-rating show tuwing Linggo na “Goin’ Bulilit” ngayong November 11 pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.
Related Links


