Jodi and Juday, back-to-back morning hits beginning this Monday |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 12, 2012 1:33 AM | |
Simula ngayong Lunes (Nobyembre 12), bago na ang timeslot ng no.1 daytime teleserye ng bansa na "Be Careful With My Heart" na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Eere na ito tuwing 11:15am, pagkatapos ng cooking reality show ni Judy Ann Santos na "MasterChef: Pinoy Edition," na mapapanood sa ganap na 10:30am.
Samantala, base sa datos ng Kantar Media para sa buong buwan ng Oktubre, no.1 daytime TV program pa rin sa buong Pilipinas ang "Be Careful With My Heart." Sa taglay nitong 23.3% average national TV rating, naungusan pa ng love story nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard) ang primetime teleseryes ng GMA na kahit isa ay hindi nakapasok sa listahan ng top 15 programs nationwide.
Huwag magpahuli sa pinakapinag-uusapang nakakikilig at nakatutuwang no.1 daytime TV program sa buong bansa, "Be Careful With My Heart," araw-araw, sab ago nitong oras, 11:15am, bago mag-"It's Showtime," sa ABS-CBN. Samantala, mapapanood naman ang "Be Careful With My Heart Sabado Rewind" tuwing Sabado, 10am, bago mag-"It's Showtime."
Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheartsa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.
Related Links and Articles


