Sunday, May 26, 2013
'Kung Ako'y Iiwan Mo' down to its final three days
by ABS-CBN Corp. Comm. | November 14, 2012 10:08 AM | 

Sa Biyernes (Nobyembre 16) na ang final episode nang kontrobersyal na kwentong pag-big ng "Kung Ako'y Iiwan Mo" na tinutukan ng afternoon viewers sa ABS-CBN sa loob ng pitong buwan.
Para sa bida nitong si Shaina Magdayao, naging malaking bahagi na ng kanyang buhay ang teleseryeng pinagbibidahan nila nina Jake Cuenca at Bangs Garcia na nagsimulang umere noong Abril 16.


"Isang buong taon kaming nagtrabaho for this show at naging malaking challenge ito para sa akin bilang aktres," pahayag ni Shaina na mas kilala sa mga manonood bilang si Sarah, ang asawa ni Paul (Jake) at matinding karibal ni Mia (Bangs). "Dito kasi bilang si Sarah naging nanay ako, kinasal at nagpa-annul, nagkaroon pa ako ng amnesia, at lahat ng ito ay hindi ko pa nararanasan sa totoong buhay."


Bukod sa maiinit nilang love scenes nila ni Jake, isa pa sa pinakaaabangang kaeksena ni Shaina sa "Kung Ako'y Iiwan Mo" ay ang mga maaksyon nilang harapan ng mga karakter nila ni Bangs. "Kung meron mang isang rason kung bakit ako masaya na magtatapos na ang show namin, ito ay dahil finally matitigil na ang pagiging bayolente ko," sabi ni Shaina. "Siyempre hindi naman maganda na nanampal ako lagi ‘di ba? Pero gustong-gusto ng mga tao kapag nasasabunutan ko si Mia."


Sa init ng suportang natanggap nila sa halos isang taon na pag-ere ng kanilang teleserye sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN, lubos-lubos ang pasasalamat ni Shaina sa lahat ng TV viewers na minahal ang kanilang kwento at mga karakter. "Nakakalungkot kasi magtatapos na but at the same time fulfilling siya dahil sa ganda ng reception ng tao sa show namin," aniya. "Natutuwa talaga ako na may pinuntahan ‘yung pagtatrabaho namin dahil kahit papaano, in our own little way, ay naka-inspire at naka-touch kami ng buhay ng mga manonood."


Bukod kina Shaina, Bangs at Jake, bahagi rin ng cast ng “Kung Ako’y Iiwan Mo” sina Ron Morales, Gloria Diaz, Sandy Andolong, Maria Isabel Lopez, Dick Ysrael, Nikki Valdez, Jojit Lorenzo, Ronnie Lazaro, Dianne Medina, Joross Gamboa, Alyanna Angeles, at Jillian Aguila. Naging parte rin ng teleserye sina Christopher de Leon bilang ama ni Jake at Philip Salvador bilang tatay ni Shaina. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Lino S. Cayetano, Manny Q. Palo, Jojo A. Saguin at Avel E. Sunpongco.


Huwag palampasin ang huling linggo ng "Kung Ako'y Iiwan Mo," araw-araw, 3:30pm, pagkatapos ng "Angelito: Ang Bagong Yugto" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow


Tags:

NBA Eastern and Western Conference Finals air on ABS-CBN and Studio 23
The road to the NBA finals continues as the four remaining teams battle it out for a shot to win the coveted Larry O’Brien Trophy.
Goin' Bulilit Kids have fun in the sun in Cebu
Summer fun is not yet over for the wacky kids of Goin’ Bulilit as they invade Cebu.
Ted Failon probes implementation of K-12 curriculum in the country
'Failon Ngayon' investigates the impact of the K - 12 basic education curriculum reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25).
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers