'Be Careful With My Heart' crushes rival show by almost 19 points |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 15, 2012 9:18 AM | |
Tumodo ng pagka-‘kapit-bisig’ ang solid fans ng "Be Careful With My Heart" dahil noong Lunes (Nobyembre 10), sa bago nitong 11:15am timeslot, nag-reyna sa daytime (6AM-6PM) at nakipagsabayan sa primetime teleseryes ang pinag-uusapang Primetanghali kilig-serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa ABS-CBN.
Base sa datos mula sa Kantar Media, humataw ng 25.9% national TV rating ang “Be Careful With My Heart” o lagpas triple ng nakuhang 7.4% ng katapat nitong programa sa GMA na “Chef Boy Logro: Kusina Master.”
Sa taas ng national TV ratings ng Kapamilya kilig-serye, nakuha nito ang ikalimang puwesto sa top 20 most watched programs sa bansa at nalampasan pa ang ratings ng lahat ng primetime shows ng kabilang network.
Huwag magpahuli sa pinakapinag-uusapang nakakikilig at nakatutuwang no.1 daytime TV program sa buong bansa, "Be Careful With My Heart," araw-araw, sa bago nitong oras, 11:15am, pagkatapos ng “MasterChef: Pinoy Edition" sa ABS-CBN. Samantala, mapapanood naman ang "Be Careful With My Heart Sabado Rewind" tuwing Sabado, 10am, bago mag-"It's Showtime."
Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.
Related Links and Articles


