Ryan Cayabyab shares his life and music on 'The Bottomline' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 15, 2012 9:25 AM | |
Mga kwentong puno ng inspirasyon at musika ang ibabahagi ngayong Sabado (Nobyembre 17) ng “The Bottomline With Boy Abunda” sa pamamagitan ng special guest nitong si Maestro Ryan Cayabyab. Alamin mula sa batikang songwriter-conductor at isa sa mga haligi ng Original Pilipino Music (OPM) ang hirap at sarap ng pagiging isang musikero sa Pilipinas.
Gayundin, tuklasin mula sa musical director ng ballet musical na “Rama Hari” ang iba’t ibang proseso na pinagdadaanan sa paglikha ng isang awitin. Saan nga ba siya humuhugot ng inspirasyon para makagawa at makasulat ng magandang musika? Sa kanyang palagay, nanghihingalo na nga ba talaga ang OPM? Bilang isa sa mga pinaka-respetadong musikero sa bansa, nababahala ba siya sa pagsikat at pagtangkilik ng mga kabataang Pinoy sa pop music?
Huwag palampasin ang kwento ni Mr. C ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, sa ‘Ani ng Dangal 2012′ awardee na “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links and Articles


