AiAi, in love 'TODA Max' with Binoe? |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 16, 2012 9:21 AM | |
Si Comedy Concert Queen at aktres na si Ai Ai Delas Alas ang nakatoka na magpatawa sa “Toda Max” ngayong Sabado (November 17) para sa pagpapatuloy ng month-long anniversary celebration ng sitcom.
Ito ang pangalawang episode sa ilalim ng kanilang temang “Tribute to ABS-CBN Comedy Shows” kung saan imbitado ang ilang beteranong mga komedyante na bibisita sa Beverly Gil's. Ngayong Sabado, gaganap si Ai Ai bilang ang unang asawa ni Tol (Robin Padilla).
“Ang tagal ko nang hindi sumabak sa sitcom pero nakakatuwa yung sobrang warm ng pag-welcome ng Toda Max sa akin. Nag-enjoy ako ng sobra,” ani Ai Ai.
Samantala, hindi pa man lumilipas ang excitement na nadama ng “Toda Max” cast at crew sa pagkapanalo ng show bilang Best Comedy Show sa Catholic Mass Media Awards, nominado naman ito ngayon bilang Best Comedy/Gag Show sa PMPC Star Awards for TV. Makakaharap ng “Toda Max” ang Kapamilya comedy shows na “Banana Split” at “Goin’ Bulilit”. Nominado rin ang ilang cast ng “Toda Max” tulad nina Robin Padilla at Vhong Navarro para sa Best Comedy Actor award at Angel Locsin at Pokwang para sa Best Comedy Actress award. Nakatanggap din ng nominasyon sina Karen Reyes at Myrtle Sarrosa sa Best New Female TV Personality sa pagganap nila sa show.
“Maraming salamat po at marami ang nakakapansin sa effort na ibinubuhos namin sa pagpapatawa sa Toda Max. Hindi ko po talaga inaasahan na ma-nominate as Best Comedy Actress lalo na at kasama ko sa show si Ms. Pokwang na isa nang beterano pagdating sa comedy. ‘Yung ma-nominate po ay isa nang malaking honor para sa akin,” ani Locsin.
Sa “Toda Max” ngayong Sabado, magpapakilala si Aina (Ai Ai) na siya ang unang asawa ni Tol, sa mismong gabi ng pag-propose ng huli sa nobyang si Joy (Cristine Reyes). Masisira ang diskarte ni Tol lalo't unti-unti nang napapaniwala ni Aina sina Justin (Vhong) at Isabel (Angel).
Totoo ba ang pinipilit ni Aina na unang naging kanya si Tol? Alamin sa “Toda Max” ngayong Sabado (November 17) pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.
Related Links


