'Showbiz Inside Report' to air exclusive interview with Carmina Villaroel and Zoren Legaspi about their wedding |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 17, 2012 1:02 AM | |
Ginulat ni Zoren Legaspi hindi lamang ang buong sambayanan kundi maging ang kanyang 'honey' sa loob ng 12 taon na si Carmina Villaroel sa inihanda niyang sorpresang proposal at kasalan na ginanap noong Huwebes (Nobyembre 15) sa Fernbrook Garden sa Alabang, Muntinlupa City.
Magkahalong pagkagulat at saya ang nadama ni Carmina sa biglaang paghatid sa kanya sa altar ni Zoren dahil inakala nitong isang photoshoot lamang para sa isang commercial ang kanyang pupuntahan noong araw na iyon.
"Finally, heto na talaga! Hindi naman na kelangan pero somehow tinupad ni Zoren. Sobrang saya ko," emosyonal na pahayag ni Carmina sa eksklusibong interview ng "Showbiz Inside Report" na ipalalabas ngayong Sabado (Nobyembre 17) sa ABS-CBN.
Sa tulong ng kanilang kambal na sina Mavy at Cassy, ng mga pamilya Legaspi at Villaroel, at ng ABS-CBN, nagawang itago ni Zoren sa loob ng halos dalawang buwan ang mga detalye ng kanyang preparasyon para sa kasal.
Kabilang sa mga dumalo sa kasalang Carmina at Zoren ang kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Kabilang sa mga ninong at ninang sina Grace Poe Llamanzares, Eric Quizon, at Kris Aquino.
Huwag palampasin ang exclusive coverage ng sorpresang proposal at kasal nina Carmina at Zoren sa top-rating at trending showiz entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” ngayong Sabado, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.
Related Links and Articles


