Kean Cipriano stars in his first 'MMK' this Saturday |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 17, 2012 1:13 AM | |
Sa kauna-unahang pagkakataon, itatampok ang rock band frontman na si Kean Cipriano sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Nobyembre 17), kung saan gagampanan niya ang karakter ni John, ang mapagmahal na karelasyon ni Lyn (Yen Santos), isang babaeng ibinabase ang lahat ng desisyon niya sa buhay sa iba't ibang kasabihan.
Mula sa panahon kung kailan magkaka-boyfriend hanggang sa mga masasaklap na pangyayari sa buhay niya, ikinokonekta ni Lyn sa mga kasabihang pinaniniwalaan ng kanyang ina, tiyahin at lola. Sa huli, ano ang mas matimbang--ang sigaw ng damdamin o ang mga walang basehang paniniwala?
Makakasama nina Kean at Yen sa kanilang "MMK" episode sina Sylvia Sanchez, Ricardo Cepeda, Sharlene San Pedro, Nikki Bagaporo, Cris Villongco, Helga Krapf, Patrick Sugui, Timothy Chan, at Aria Clemente. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Agatha Ruadap, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Dado Lumibao.
Huwag palampasin ang isang nakatutuwa kuwentong pag-ibig sa “MMK” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.
Related Links and Articles


