Tuesday, May 21, 2013
Heartthrobs in their forties invade Kapamilya Gold
by  | November 19, 2012 12:58 AM | 

Kilalanin ang apat na heartthrobs sa kanilang 40s na tiyak kikiliti at magpapakilig sa inyo tuwing hapon sa pinakabagong Koreanovelang handog ng ABS-CBN sa Kapamilya Gold, ang “A Gentleman’s Dignity” simula ngayong Lunes (Nov 19).

Dahil may edad na kung kaya’t mas pilyo, mas pabling, at mas swabe ang mga diskarte ng tinaguriang F40 na sina Dennis (Jang Dong-gun), Tristan (Kim Soo-ro), Ron (Kim Min-jong), at Jiro (Lee Jong-hyuk) na pagdaraanan ang iba’t ibang mga hamon sa kanilang karera at buhay pag-ibig.

Si Dennis ay isang arkitektong chickboy na gusto ng maging one-woman man at makahanap na ng isang babaeng kanyang mamahalin habangbuhay. Mahuhulog ang kanyang loob kay Irene na matagal naman na may pagtingin sa matalik na kaibigan ni Dennis na si Tristan.

Si Tristan naman ay kapareha ni Dennis sa kanilang architectural firm na namomroblema sa liberated girlfriend niyang si Vera habang si Ron naman ay isang biyudong abogado na sakit sa ulo si Carrie, isang dalagang mas bata na patay na patay sa kanya.

Samantala, si Jiro naman ang pinakaplayboy at tanging may asawa sa barkada. Napangasawa niya ang matronang si Menchu na ubod ng yaman at ubod din ng selosa.

Sa kanilang edad, paano nga ba nila kakaharapin ang pakikipagrelasyon, paghihiwalay, tagumpay at maging pagkabigo? Makahanap na kaya sila ng babaeng makakatapat nila?

Ang “A Gentleman’s Dignity” ay panulat at direksyon ng may likha ng sikat na seryeng “Lovers in Paris.”

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng makulay na kuwento nila sa “A Gentleman’s Dignity” ngayong Lunes (Nov 19), bago ang “Secret Love: Sungkyunkwan Scandal” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedback



Customer and store owner fight over spoiled food on 'Engkwentro'
Karen Davila looks into a brawl between good friends Nanay Charing, a retail store owner, and Aling Nora, one of her loyal customers in 'Pinoy True Stories: Engkwentro'
Kim and Maja reconcile on 'Ina Kapatid Anak'
What major life changing event will lead Celyn at Margaux to forgive each other?
44 Kalokalikes ng 'Showtime' battle it out in 'Kalokalike Level Up'
Watch as the celebrity wannabes unleash their wild personality and charisma for “Kalokalike Level Up,” the look-alike contest’s semi-finals round that will be held over the course of two weeks from May 20 until May 31.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers