Dina Bonnevie portrays mother of 13 kids on 'MMK' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 21, 2012 8:46 AM | |
Inang humarap sa iba't ibang pagsubok ang role ni Dina Bonnevie sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Nobyembre 24). Gaganap siya bilang si Bebeng, ang nanay ng 13 bata na binuo ang kanyang masayang pamilya habang pinalalago ang pinakamamahal niyang flower shop. Ngunit dumating ang panahon na sinubok ang katatagan niya ng magkakasunod na dagok sa buhay--nagkaroon ng cancer ang kanyang panganay, nabuntis nang maaga ang ikatlo niyang anak, naging epileptic ang ikaanim, at ang ika-12 naman niyang anak ay namatay dahil sa pneumonia.
At dahil sa mga trahedyang naganap sa kanyang pamilya, kinailangang isakripisyo ni Bebeng ang kanyang flower shop para sa kaligtasan ng mga bata. Saan huhugot ng lakas ang isang ina kung maglalaho ang tanging inspirasyon niya sa buhay?
Makakasama ni Dina sa kanyang "MMK" episode sina William Lorenzo, BJ Forbes, Cajo Gomez, Angeli Gonzales, Ogie Escanilla, Miguelito De Guzman, Nicole Ampil, Ogie Diaz, Onse Tolentino, John Medina, at Lemuel Pelayo. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Joyce Villavicencio, panulat ni Joan Habana, at direksyon ni Nuel C. Naval.
Huwag palampasin ang isa namang heavy family drama na handog ng “MMK” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.
Related Links


