SOCO’s 7TH anniversary episode maps out successful rescue mission |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 23, 2012 8:16 AM | |
Kapupulutan ng mga manonood ng aral ang 7th anniversary episode ng “SOCO” kung saan ilalahad ni Gus Abelgas ang mga elemento sa isang matagumpay na hostage rescue mission ngayong Sabado (Nov 24).
Gagawing sentro ng episode ang isang makapigil-hiningang hostage drama na tumagal ng 24 oras sa Olongapo City nitong Abril kung saan hinostage mismo sa loob mismo ng kanilang bahay si Larisa at ang kasama niyang kaibigan na si Eden, pawang mga menor de edad.
Matagumpay na nadakip ang suspek na si Francisco Mamolo sa final assault ng otoridad matapos ang ilang oras na pakikipag-areglo rito. Sa pagsisiyasat ng pulisya, naburyong lamang ang suspek dahil natanggal umano ito sa trabaho at noo’y buntis ang kanyang misis. Wala rin umano itong anumang criminal record.
Ano nga ba ang katangiang dapat na angkinin ng isang hostage upang malampasan ang pagkakabihag? Ano naman ang mahahalagang kailangang gawin ng mga pulis o negotiator upang masigurong ligtas at walang mamamatay sa delikadong sitwasyong ito?
Bukod pa riyan ay uusisain din ni Gus ang iba’t ibang klase ng hostage taker at kung ano nga ba ang tumatakbo sa kanilang isipan sa gitna ng pagbibitag ng mga inosente.
Huwag palampasin ang espesyal na anniversary episode ng “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ngayong Sabado (Nov 24) pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes nito, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/soco.
Related Links


