'Ina Kapatid Anak' beats pilot episode ratings of GMA's new teleserye |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 28, 2012 8:48 AM | |
Back-to-back ratings success ang nakuha kamakailan ng Primetime Bida family drama series ng ABS-CBN na "Ina Kapatid Anak" dahil sa pamamayagpag nito sa national TV ratings kontra sa dalawang programa ng GMA.
Base sa datos mula sa Kantar Media, lumamang ng halos 16 na puntos noong Lunes (Nobyembre 26) ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee at Maja Salvador na nakakuha ng 32.9% national TV ratings, kumpara sa pilot episode ng bago nitong katapat na programa sa GMA na "Pahiram ng Sandali" na pinagbibidahan ni Lorna Tolentino na umabot lamang sa 17.5%. Bukod pa rito, nananatiling panalo sa timeslot nito ang "Ina Kapatid Anak" noong Biyernes (Nobyembre 23) sa taglay nitong 31.9% national TV ratings, kumpara sa 18.2% na nakuha ng final episode ng "Coffee Prince: Pinoy Version."
Samantala, ngayong tuluyan nang nagkaharap sina Teresa (Cherry Pie Picache) at Julio (Ariel Rivera), simula na ba ito ng mas maiiinit na harapan sa pagitan ng kanilang mga pamilya? Mapupwersa na ba si Teresa na ibunyag ang katotohanan sa likod ng tunay na pagkatao ni Celyn (Kim) o pilit pa rin niyang itatago kina Julio at Beatrice (Janice de Belen) na ang matalik na kaibigan ng ampon nilang si Margaux (Maja) ay ang tunay nilang anak?
Patuloy na tutukan ang kuwento ng pakikipaglaban para sa karapatan, "Ina Kapatid Anak," gabi-gabi, pagkatapos ng "Princess and I" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.
Related Links


