Thursday, June 20, 2013
Carlo Aquino and Joem Bascon play bisexual lovers in 'MMK'
by ABS-CBN Corp. Comm. | November 28, 2012 9:09 AM | 

Magkarelasyon na susubukin ng sakit na AIDS (acquired immune deficiency syndrome) ang bibigyang buhay nina Carlo Aquino at Joem Bascon sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Disyembre 1).

Gagampanan nila ang mga karakter nina Kevin (Carlo) at Alan (Joem), kapwa bisexual na nagsimula ang ugnayan sa isang casual sex na kalaunan ay humantong sa isang malalim na pagmamahalang punong-puno ng ligaya. Ngunit mababago ang takbo ng buhay ng dalawa nang matuklasan nilang may AIDS si Kevin na nakuha nito sa ‘raket’ niya kasama ang mga kliyente sa gym na pinagtatrabahuhan. Anong gagawin ni Alan sa sandaling malaman niya na nahawaan siya ni Kevin ng isang nakamamatay na sakit? Sisirain ba ng isang karamdaman ang isang relasyong pilit ipinaglaban sa lahat?

Makakasama nina Carlo at Joem sa kanilang heavy drama "MMK" episode sina Bodjie Pascua, Chanda Romero, Toby Alejar, Roeder Camañag, Laiza Comia, Kyra Custodio, Miguel Morales, at Leo Rialp. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Nuel C. Naval. Huwag palampasin ang isa namang heavy drama episode na handog ng “MMK” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN.

Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers