Carmina Villaroel gives her special Christmas present on Wansapanatym |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 29, 2012 9:09 AM | |
Matapos ang engrandeng surprise mob wedding na inihandog sa kanya ng kanyang ‘honey’ na si Zoren Legaspi, si Carmina Villaroel naman ang magreregalo ng saya sa TV viewers ngayong Sabado (Disyembre 1) sa Christmas countdown special ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na “Wansapanataym.”
Sa episode na pinamagatang ‘Perfect Gift,’ gagampanan ni Carmina ang karakter ni Joanna, isang babaeng hindi nakaranas ng magandang kabataan. Dahil sa mga pagkukulang ng kanyang mga magulang noong siya’y maliit pa, ginawa lahat ni Joanna ang kanyang makakaya para maibigay ang lahat ng kagustuhan ng kanyang anak. Ngunit sa kabila ng mga mamahaling gamit, damit, at laruan na binibili niya, matutunan kaya ni Joanna ang higit na kahalagahan ng pagbibigay ng oras sa kanyang anak?
Makakasama ni Carmina sa ‘Perfect Gift’ episode sina Jeffrey Santos, Carlos Agassi, Yogo Singh, Janica Pareño, Harvy Bautista, at Dexie Daulat. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at direksyon ni Tots Sanchez-Mariscal.
Huwag palampasin ang maagang pamasko ng PMPC Best Fantasy Program, “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links


