Martin Nievera and Kedebon kick off 'Kapamilya Deal or No Deal' Christmas special |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 29, 2012 9:15 AM | |
Buena mano na makakatikim sa pamasko ni Banker sina ”The X Factor Philippines” judge Martin Nievera at kanyang anak-anakang si Kedebon Colim sa pagsisimula ng Christmas special ng ”Kapamilya Deal or No Deal.”
Talaga namang exciting at mas masaya ang laro dahil muling pinagsama ang parehong kwelang sina Martin at Kedebon sa iisang entablado. Todo suporta rin ang kanilang pamilya kasama ang iba pang finalists ng ”The X Factor Philippines.”
Maging merry kaya ang Pasko nina Martin at Kedebon at makuha ang jackpot? Ano nga kaya ang pamasko ni Banker sa mga susunod na makikipagtawaran sa kanya sa "Deal"? Huwag palalampasin ang “Kapamilya Deal or No Deal” ngayong Sabado (Dec 1), pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.
Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.
Related Links

