Saturday, May 25, 2013
Jodi Sta.Maria and Richard Yap consider 'Be Careful' their biggest gift in 2012
by ABS-CBN Corp. Comm. | November 30, 2012 9:21 AM | 

Kapwa malaki ang pasasalamat nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa pagbabagong idinulot sa buhay at career nila ng kanilang undisputed no.1 daytime TV program “Be Careful With My Heart,” na inanunsyo kamakailan na extended hanggang gitnang bahagi ng 2013.

Ayon kina Jodi at Richard, itinuturing nila ang kanilang kilig-serye bilang pinakamalaking regalong natanggap nila ngayong taon. “Sa totoo lang, malaking regalo na rin ang pagkakataong naibigay sa amin na maging source of inspiration ng maraming tao. Sa palagay ko, hindi lang ang audience ang nai-inspire ng mga character namin dahil kami mismo, may natututunan sa kanila,” sabi ni Jodi.

“Ang success ng ‘Be Careful With My Heart’ ay talagang blessing. We are blessed to have everything feel-good in the show,” pahayag ni Richard. “At malaki talaga ang pasasalamat namin sa suporta ng fans kung kaya’t gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para pasayahin kayo araw-araw.”
Samantala, nang tanungin kung anong mga balak nila para sa Pasko, kapwa plano nila Jodi at Richard na makasama ang kanilang mga pamilya sa espesyal na araw na iyon.

“Christmas will be spent with my loved ones. Nagpa-plano akong magluto para sa noche buena para sa family ko,” ani Jodi. “Magbabakasyon rin kami sa ibang bansa. ‘Yun na ang Christmas/New Year treat ko para sa kanila.”

“Plano kong makasama nang matagal ang wife ko at mga anak ngayong Holiday season para naman makabawi ako sa mga panahon na hindi ko sila nakasama dahil sa taping schedule namin,” sabi ni Richard.

Patuloy na sundan ang nakakikilig at nakatutuwang kuwento nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard) sa "Be Careful With My Heart," araw-araw, 11:15am, bago mag-"It's Showtime," sa Primetanghali ng ABS-CBN. Samantala, mapapanood naman ang "Be Careful With My Heart Sabado Rewind" tuwing Sabado, 10:30am, bago mag-"It's Showtime."

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Ted Failon probes implementation of K-12 curriculum in the country
'Failon Ngayon' investigates the impact of the K - 12 basic education curriculum reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25).
Boy Abunda gives marriage advise to Angel and Vhong
Preparations for the wedding of Isabel and Justin in the hit sitcom “Toda Max” are now underway!
Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers