Pokwang, torn between Goma and Binoe? |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 30, 2012 9:27 AM | |
Mabenta ang beauty ng beteranang komedyanteng si Pokwang dahil pawang naggagwapuhang aktor ang nakakapareha nito. Kamakailan lamang lumabas ang pelikulang “24/7 In Love” kung saan katambal niya si Sam Milby at ngayong Sabado naman sa “Toda Max”, sina Richard Gomez at Robin Padilla ang mag-aagawan sa kanyang atensyon.
“Feel na feel ko talaga yung mala-diyosa kong kagandahan dahil tignan nyo naman yung mga nakakapartner ko, ang guguwapo,” ani Pokwang. Nang tanungin kung ano ba ang hinahanap niya sa lalaki, sinabi niyang dapat totoo ang intensiyon sa kanya at mahal siya kung sino siya. “Marami na akong pinagdaaanan kaya mararamdaman ko kung sincere ba talaga sa akin ang isang lalaki,” dagdag pa niya.
Samantala, sa huling episode ng month-long anniversary ng sitcom, si Richard Gomez na siyang mainstay noon ng Kapamilya comedy na "Palibhasa Lalake" naman ang bibisita sa Beverly Gil’s St. upang magsisilbing ‘Prince Charming’ ni Lady G (Pokwang) nang malagay ito sa peligro. Dahil sa pagtatanggol nito sa mayamang dalaga ay tutulungan ito ni Lady G na magkaroon ng trabaho. Sa kabilang banda, iisipin ni Tol (Robin) na baka lokohin lang ni Ricky (Goma) si Lady G kaya makikipagsabayan ito sa pagporma sa dalaga. Sa paligsahan mauuwi ang panliligaw nina Tol at Ricky.
Parang nasa alapaap sa tuwa si Lady G ngunit magtagal kaya ito? Alamin sa “Toda Max” ngayong Sabado (December 1) pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.
Related Links


