Friday, May 24, 2013
Go 'Ho,ho,ho' with Goin' Bulilit's Christmas caroling gags
by ABS-CBN Corp. Comm. | December 01, 2012 11:14 PM | 

Sumama sa pangangaroling ng mga cute na kids ng “Goin’ Bulilit” ngayong Linggo (December 2) sa kanilang “Karoling sa Jeep” at “Karoling sa Bahay” gags at umani ng sandamakmak na katatawanan.

Hindi nagtatapos ang awitan ng mga bulilit sa pangangaroling dahil gagawa rin sila ng spoofed version ng awiting “Lumiliwanag ang Mundo sa Kuwento ng Pasko” at ng bersyon nila ng isang programa ng ABS-CBN News and Current Affairs na tawag nilang “Ako Ang Simula…ng Pila”. Wala namang kawala ang mga pasaway na bulilit sa kanilang “Walang ma-CCTV” sketch.

Tunghayan din ang mga nakakaaliw na eksena sa “Ang Corny”, “Tanong Ko Lang”, at “Ooh! Eew!” Magtatapos ang tawanan ngayong Linggo sa isang makulit na “Closing Game”.

Samantala, number one pa rin ang tawanan kasama ang “Goin’ Bulilit” pagdating sa ratings noong nakaraang Linggo (November 25) nang makakuha ito ng 23.7% average audience share, mas mataas ng apat na puntos sa nakuha ng katapat nitong show na “Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento” ng GMA na nakakuha ng 19.3% base sa urban and rural audience measurement data ng Kantar Media.

Tumawa at sumabay sa paborito ninyong Christmas songs kasama ang “Goin’ Bulilit” ngayong Linggo (December 2) pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
An unexpected error has occurred. The item cannot be displayed. Please check the error log for more information.
‘Be Careful With My Heart’ concerts draw thousands in Los Angeles and Kissimmee
TFC Presents scores back-to-back event winners with Sir Chief,Maya and the gang in U.S. tour
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers