Valerie Concepcion guest stars on 'LUV U' this Sunday |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | December 01, 2012 11:18 PM | |
Bibisita ang sexy actress na si Valerie Concepcion sa teen comedy show na “LUV U” ngayong Linggo (December 2) at gaganap bilang si Margarita Avila, isang guest speaker sa book fair ng “LUV U”.
“Nakakatuwa po yung feeling na kahit sa show lang, motivational speaker ka. Kasi nakakapaghatid ka ng mga moral values lalo na sa mga kabataan. Nakakenjoy kasama yung cast ng LUV U kasi nakikinig talaga sila sayo. Feeling ko tuloy totoong writer at speaker ako,” ani Valerie na first time mag-guest sa show.
Writer ng librong “Lies, Lies, Lies” si Margarita at hihingan siya ng payo ni Camille (Miles Ocampo) kung ano ba ang dapat niyang gawin dahil hindi na niya matiis na hindi kausapin si JB (Marco Gumabao).
Samantala, upang hindi na umayaw si Rocky (Igi Boy Flores) sa pagdalaw kay Whitney (Kiray Celis), ise-setup siya ng kaibigang si Boom (CJ Navato) na pumunta sa isang manghuhula at kung sino ang makikita dito ay ang taong nakatadhana sa kanya.
Sino ang makikita ni Rocky at makatulong kaya si Margarita kay Miles at JB? Alamin sa “LUV U” ngayong Linggo (December 2) pagkatapos ng “ASAP 2012” sa ABS-CBN.
Related Links


