Will Kiefer Ravena be Banker's Most Valuable Player this Saturday? |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | December 08, 2012 3:11 AM | |
Pahinga muna sa paglalaro ng basketball ang hardcourt heartthrob at UAAP Season 74 Rookie of the Year na si Kiefer Ravena dahil paglalaro ng pagpili ng tamang briefcase naman ang kanyang susubukan ngayong Sabado (Dec 8) sa “Kapamilya Deal or No Deal.”
Kasama ang kanyang mga teammate sa Ateneo Blue Eagles, susubukan ni Kiefer na maiuwi ang jackpot para na rin matulungan ang Ateneo basketball team para mapondohan ang pangangailangan nila sa eskwela tulad ng gamit at tuition fees. Aminado naman si Kiefer na mas kabado siya maglaro sa KDOND kaysa sa court. Mas kinabahan pa siya ng kumprontahin siya ng host na si Luis Manzano kung totoo nga Bang may gusto ito sa girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.
Paano lulusutan ni Kiefer ang matinding tensyon? Umuwi kaya siyang MVP at milyonaryo ng ‘deal?’ Huwag palalampasin ang “Kapamilya Deal or No Deal” ngayong Sabado (Dec 8), pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.
Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.
Related Links


