Banker puts the pressure on Zanjoe Marudo in 'Deal' this Saturday |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | December 15, 2012 12:32 AM | |
Nanginig sa kaba ang hunk actor na si Zanjoe Marudo ng maglaro ito kamakailan sa hit game show na ”Kapamilya Deal or No Deal.”
Talagang tensyonado si Zanjoe lalo pa kapag bubuksan na ang briefcases na pinipili niya. Pinili ng ”One More Try” leading man ang briefcase 23 dahil ito ang kanyang kaarawan at 23 years old daw ang girlfriend na si Bea Alonzo ng maging magkarelasyon sila.
Kuwento pa ni Zanjoe sa host na si Luis Manzano, tila nagpapahiwatig daw sa kanya ang numerong 23 dahil 23 points ang nakuha niyang score sa golf noong araw na nag-tape siya para sa ‘Deal’ at hindi rin sinasadyang locker number 23 ang ginamit niya noong araw na iyon.
Suwertehin nga kaya si Zanjoe sa briefcase 23? Maiuwi niya kaya ang milyon? Huwag palalampasin ang “Kapamilya Deal or No Deal” ngayong Sabado (Dec 15), pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.
Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.
Related Links and Articles

