Friday, May 24, 2013
Julius Babao exposes fake cosmetic surgeon in 'Pinoy True Stories'
by ABS-CBN Corp. Comm.  | December 17, 2012 1:24 AM | 

Isa na namang anomalya ang mabibisto ni Julius Babao ngayong Lunes (Dec 17) sa kanyang pagtunton sa isang doktor na isa lang palang impostor sa “Pinoy True Stories: Bistado.”

Matinding depresyon ang pinagdaraanan ngayon ng 57-anyos na si Lydia Salazar matapos madisporma ang kanyang mukha at kung may anong puting bagay na umuusli sa kayang ilong.

Ito ay sanhi ng isang nagpakilalang plastic surgeon na nagsailalim sa kanya ng noselift operation.

Sa tindi ng sama ng kanyang kalooban dala ng hiya na humarap sa tao ay naisip pa ni Aling Lydia na wakasan ang kanyang buhay.

Ngunit sa tulong ng programa, mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya at mabibisto ang pagkatao ng impostor na doktor.

Tunghayan ang ginawang pagresbak sa mabangis at mapanlinlang na gang ngayong Lunes (Dec 17) sa “Pinoy True Stories: Bistado,” 4:45 p.m. pagkatapos ng “A Gentleman’s Dignity” sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

Abangan din ibang mga bagong “Pinoy True Stories” hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng “Engkwentro” ni Karen Davila tuwing Martes, “Saklolo” nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, “Demandahan” ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at “Hiwaga” ni Atom Araullo tuwing Biyernes.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
An unexpected error has occurred. The item cannot be displayed. Please check the error log for more information.
‘Be Careful With My Heart’ concerts draw thousands in Los Angeles and Kissimmee
TFC Presents scores back-to-back event winners with Sir Chief,Maya and the gang in U.S. tour
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers