Tuesday, May 21, 2013
Ella Cruz, thankful to ABS-CBN for her biggest break in showbiz
by ABS-CBN Corp. Comm. | December 20, 2012 7:54 AM | 

Napakalaking blessing para sa Kapamilya tween mermaid na si Ella Cruz ang pagdating sa kanyang buhay ng top-rating fantaserye “Aryana,” na mahigit pitong buwan nang namamayagpag sa ere.

“Hinding-hindi ko po malilimutan ang pagdating ng ‘Aryana’ sa buhay ko dahil iyon po talaga ang pinaka-highlight ng 2012 ko,” ayon kay Ella. “Sobrang thankful po ako sa ABS-CBN para sa lahat ng nangyari sa akin at sa career ko ngayong taon.”

Dahil sa kanyang napaka-busy na schedule, ibinahagi ni Ella na imbis na bumili ng mamahaling mga gamit para sa sarili bilang regalo ngayong Pasko ay mas pipiliin na lamang niyang maglaan ng oras para sa kanyang pamilya. Aniya, “Ang gusto ko lang pong regalo para sa sarili ko ngayong Christmas ay time para makasama at maka-bonding ‘yung family ko. Simple lang po, pero sobrang masaya na po ako dun.”

Samantala, taliwas sa mga magagandang nangyayari sa career ni Ella, sunod-sunod na trahedya naman ang pinagdaraanan ng kanyang karakter sa kanyang fantaserye na si Aryana. Ngayong marami nang nakakaalam ang pagkakaroon ng mga sirena, paano pa nga ba maitatago nina Ofelia (Pokwang) ang sikreto ni Aryana ngayong pinaghahanap na sila ng mga awtoridad? Ano nga ba ang gagawin ni Reyna Hiyasmin (Tetchie Agbayani) at Neptuna (Desiree del Valle) para matulungan si Aryana?

Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang tagpo sa “Aryana,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag “TV Patrol.” Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbndotcom sa Twitter.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Customer and store owner fight over spoiled food on 'Engkwentro'
Karen Davila looks into a brawl between good friends Nanay Charing, a retail store owner, and Aling Nora, one of her loyal customers in 'Pinoy True Stories: Engkwentro'
Kim and Maja reconcile on 'Ina Kapatid Anak'
What major life changing event will lead Celyn at Margaux to forgive each other?
44 Kalokalikes ng 'Showtime' battle it out in 'Kalokalike Level Up'
Watch as the celebrity wannabes unleash their wild personality and charisma for “Kalokalike Level Up,” the look-alike contest’s semi-finals round that will be held over the course of two weeks from May 20 until May 31.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers