Friday, May 24, 2013
Gus Abelgas looks into how families cope with loss in 'SOCO'
by ABS-CBN Corp. Comm. | December 21, 2012 8:50 AM | 

Paano nga ba bumabangon ang mga pamilya at kaibigang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa isang malagim na krimen? Paano nila ipinagdiriwang ang Pasko sa kabila ng kasawian?

Sa pamaskong handog ng “SOCO” ngayong Sabado (Dec 22), itatampok ni Gus Abelgas ang iba’t ibang sitwasyong kinasadlakan ng mga taong naapektuhan ang buhay dahil sa pagkawala ng kapamilya, kabilang na ang isang pitong taong gulang na batang na-trauma matapos masaksihan ang pagpatay sa kanyang lola ng kanya mismong ama.

Makikilala rin ang pamilya Dela Cruz na labis ang pagdadalamhati matapos mapatay ang kanilang haligi ng tahanan at kapatid na si Julieta, isang tutor na napagtangkaang samantalahin ng isang driver ng kanyang tinuturuan.
Survivor kung maituturing si KC, matapos siyang bugbugin ng isang menor de edad na suspek din sa pagpatay ng kanyang kaibigan. Susunod niyang ipaglalaban ang katarungan sa namatay na kaibigan dahil ang suspek ay hanggang ngayo’y nagtatago.
Pilit namang mag-bagong buhay si Miraflor, na nasaksihang paslangin ang kanyang ina at dalawang kapatid ng kanyang dating kinakasama. Ani Miraflor, sana ay naging mas matapang siyang iwan ang dating kasintahan dahil sa paulit-ulit na pambubugbog nito bago paslangin ang kanyang mga kapamilya.

Saksihan ang kanilang kwento kasama si Gus ngayong Sabado ng hapon (Dec 22) sa “SOCO” pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes nito, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/soco.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
An unexpected error has occurred. The item cannot be displayed. Please check the error log for more information.
‘Be Careful With My Heart’ concerts draw thousands in Los Angeles and Kissimmee
TFC Presents scores back-to-back event winners with Sir Chief,Maya and the gang in U.S. tour
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers