'Kailangan Ko'y Ikaw' premieres this January 2013 |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | December 21, 2012 8:56 AM | |
Ipalalabas na sa Enero 21, 2013 (Lunes) ang pinakaaabangang bagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Kailangan Ko’y Ikaw” ng pagbibidahan ng Queen of All Media na si Kris Aquino, Box-Office Queen Anne Curtis at ng Idolo ng Masa na si Robin Padilla.
Iikot ang kwento ng “Kailangan Ko’y Ikaw” sa buhay ng tatlong taong nagmamahalan--ang matapang na pulis na si Bogs (Padilla), ang dyosang ramp model na si Ruth (Anne), at ang kapatid ni Ruth na si Roxanne (Kris) na walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng kanyang pamilya. Paano pag-uugnayin ng tadhana ang buhay ng tatlong may kani-kaniyang ipinaglalaban? Anong gagawin mo kung ang kapatid mo ang piniling pakasalan ng kaisa-isang lalaking minahal mo?
Bukod kina Kris, Anne at Robin, bahagi rin ng “Kailangan Ko’y Ikaw” sina Tirso Cruz III, Ian Veneracion, Smokey Manaloto, Emilio Garcia, Lito Pimentel, Xyriel Manabat at Daniel Padilla na gaganap bilang batang Robin. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Bb. Joyce Bernal.
Huwag palampasin ang engrandeng pagsisimula ng teleseryeng kailangang tutukan ng buong sambayanan, “Kailangan Ko’y Ikaw,” simula Enero 21 sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

