Wednesday, June 19, 2013
Juday and Dingdong bare it all on 'SIR' this Saturday
by ABS-CBN Corp. Comm. | December 27, 2012 8:25 AM | 

Inspiring life stories nila Judy Ann Santos at Dingdong Dantes ang ibabahagi ng trending showbiz talk show ng ABS-CBN na "Showbiz Inside Report" ngayong Sabado (Disyembre 29).

Sa eksklusibong panayam ng "SIR," kapwa aminado sina Juday at Dingdong na bagama't may mga hamon sa personal na buhay nila at career, pilit nilang hinarap at pinagtagumpayan ang mga ito dahil at para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Juday na naging breadwinner ng kanilang pamilya, bagama't nag-asawa at nagkaanak na ay nananatili siyang handang umalalay sa kanyang mga kapatid at lalong-lalo na kay Mommy Carol. "Kahit saan siguro ako makapunta, babalik pa rin ako sa dati kong role na bunso niya forever," sabi ni Juday.

Sa ginawang pagpapabuti sa kanyang talento bilang aktor, napatunayan naman ni Dingdong sa lahat lalo na sa kanyang pamilya na sulit ang lahat ng pagsisikap niya mula ng sumabak siya sa showbiz. Aniya, "Nung time na 'yun, wala pa din naman akong experience to prove to them na mali ang akala nila. Pero sabi ko, balang araw they'll realize na mali sila."

Samantala, bukod kina Juday at Dingdong, tampok rin sa "SIR" ang matinding pagsubok na nilampasan ng batikang aktres at isa sa mga bida ng top-rating primetime teleseryeng "Ina Kapatid Anak" na si Cherry Pie Picache na sa kauna-unahang pagkakataon ay ilalahad ang karanasan niya sa paglaban sa sakit na cervical cancer. Paano niya pinagtagumpayan ang matinding pagsubok na ito sa kanyang buhay? Saan siya humugot ng lakas upang buong tapang na labanan ang cancer?

Huwag palampasin ang touching life stories nina Judy Ann, Dingdong at Cherry Pie sa trending Saturday entertainment talk show sa bansa, “Showbiz Inside Report,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers