'One More Try' and 'Sisterakas,' MMFF 2012's top-grossing and award winning films |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | December 30, 2012 9:42 PM | |
Back-to-back success ang natamo ng Star Cinema kamakailan nang parangalan ang dalawang top-grossing entries nitong “One More Try” at “Sisterakas” sa ginanap na 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night. Kinilala bilang Best Picture ang modern family dramang “One More Try” na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban; samantalang 3rd Best Picture naman ang comedy film na “Sisterakas” nina Vice Ganda, Kris Aquino, AiAi delas Alas, Xyriel Manabat, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Bukod sa Best Picture, nasungkit rin ng obra ni Ruel S. Bayani ang Best Actor para kay Dingdong, Best Child Star para kay Miguel Vergara na gumanap bilang ang may sakit na anak nina Angel at Dingdong, Best Editing para kay Vito Kahili, Best Screenplay para kay Anna Ramos, at kauna-unahang FPJ Memorial Award. Samantala, ang highest-earning MMFF entry naman na "Sisterakas," na likha ng box-office director na si Wenn V. Deramas ay iniuwi rin ang Best Supporting Actress trophy para sa natatanging pagganap ni Wilma Doesnt.
Ayon sa datos ng film fest organizer na Metro Manila Development Authority (MMDA), matapos ang dalawang araw pa lamang sa mga sinehan ay patuloy na nangunguna ang "Sisterakas" sa listahan ng highest-earning MMFF entries taglay ang nationwide two-day gross na P71.2 million. Matatag pa rin sa no.3 ang “One More Try” na tumabo naman P24.3 million.
Patuloy na balik-balikan kasama ang buong pamilya ngayong Holiday season ang top-grossing at award-winning MMFF entries ng Star Cinema na “One More Try” at “Sisterakas” na mapapanood pa rin ngayon sa mga sinehan nationwide. Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates, bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.
Related Links and Articles


