Wednesday, June 19, 2013
'Minute To Win It' puts Pinoy's game skills to test for a shot at P1 Million
by ABS-CBN Corp. Comm. | January 03, 2013 2:53 PM | 

Kaya mo bang patumbahin ang isang pyramid ng mga lata gamit lamang ang mga lastiko o kaya’y bunutin nang isa-isa ang lahat ng tissue sa isang box gamit lamang ang isang kamay sa loob lamang ng 60 segundo? Kapag nalampasan mo ang sampung challenges gaya nito gamit ang mga bagay na natatagpuan sa loob ng bahay, maaari kang mag-uwi ng P1 milyon sa pinakabagong game show ng ABS-CBN na “Minute to Win It.”

Mula sa international production company na nagdala sa bansa ng “The Biggest Loser” at “MasterChef,” pumatok ang “Minute to Win It” sa Estados Unidos at iba pang bahagi ng mundo para sa nakakaaliw at nakaka-excite nitong challenges na hinahamon ang mga ordinaryong taong mahasa ang kanilang husay at diskarte para sa pagkakataong mabago ang kanilang buhay. May bersyon na rin ito sa 40 iba’t ibang bansa sa mundo kabilang na sa Australia, India, at United Kingdom.

Ang Philippine version ng “Minute to Win It” ay pangungunahan ni Luis Manzano. Dadaan ang mga contestant sa sari-saring mga hamon gamit ang mga bagay na ginagamit sa araw-araw. Habang pahirap nang pahirap ang mga challenge ay palaki rin nang palaki ang cash prize kaya naman kailangan ding mamili ng contestant kung siya’y susuko na at iuuwi ang perang naipon o magpatuloy para makuha ang P1 milyon.

Ang try-outs para sa game show ay magbubukas ngayong Enero 7 at 8 simula 8AM sa ABS-CBN Center Road, Quezon City para sa lahat ng interesadong 18 taong gulang at pataas. Hinihimok ang mga gustong sumali na magpraktis sa bahay sa mga larong nabanggit sa itaas.

Ang ilang challenges na ipapasubok din sa try-outs ay ang pagpapatung-patong ng walong piraso ng bolts gamit ang isang barbecue stick hanggang sa tumayo ito sa loob ng tatlong segundo, pagpapaypay ng tatlong itlog gamit ang isang pizza box patungo sa isang nakaguhit na bahagi sa stage, paghagis ng isang bote at patayuin ito sa ibabaw ng mesa na limang talampakan ang layo, at pagkuha ng mga candy gamit ang isang straw sa bibig at ilagay ang mga ito paisa-isa sa mga straw na nakatayo.

Abangan ang pagsisimula ng “Minute to Win It” ngayong Enero sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbn.com.

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback



'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers