Zaijan Jaranilla's 'Wansapanataym' special begins this Saturday |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 05, 2013 1:15 AM | |
primetime teleseryes ng ABS-CBN tulad ng "May Bukas Pa," "Ikaw ay Pag-ibig," at "Lorenzo's Time," muling magbabahagi ng iba't ibang mabuting aral sa buong pamilya ngayong Sabado (Enero 5) ang Kapamilya child wonder na si Zaijan Jaranilla sa pagsisimula ng kanyang "Wansapanataym" special.
Sa episode na pinamagatang 'Gagam-Buboy,' gagampanan ni Zaijan ang karakter ni Buboy, isang batang mahilig maglaro ng mga gagamba. Mapagtanto kaya ni Buboy na dapat bigyang halaga ang mga hayop at insekto lalo na kapag pinarusahan siya na maging isang taong gagamba dahil sa kanyang labis na kakulitan? Makakasama ni Zaijan sa 'Gagam-Buboy' episode sina Yayo Aguila, John Judelei Junio, at Gerald Pesigan. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Yam Tangco-Domingo at direksyon ni Tots Sanchez-Mariscal.
Huwag palampasin ang simula ng "Wansapanataym" special ni Zaijan ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links and Articles


