Love is sweeter the second time around on 'LUV U' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 05, 2013 1:19 AM | |
Isa raw sa New Year’s resolution ng “LUV U” teen star na si Miles Ocampo ang pagiging mapagpatawad dahil naniniwala siya na ang lahat ay dapat magkaroon ng second chance.
“Hindi po dahil nagkamali ng isang beses, hindi na pwede pagkatiwalaan. Lahat po dapat bigyan ng second chance pero syempre po dapat maging maingat din para hindi naman tayo maabuso,” ani ng dalaga.
Maliban dito, isinama rin ni Miles sa kanyang resolution ang kanyang pag-aaral. “Minsan po kasi late na ako nakakapasok at may mga quiz o assignment akong nami-miss kaya po this year, mas lalo ko pa pong pagsisikapan na mapabuti yung pag-aaral ko.”
Ganoon din para kay Marco Gumabao na kasalukuyang AB Psychology student sa De La Salle University. “Last year nahirapan po talaga ako mag-adjust na pagsabayin yung taping at pagpasok pero time-management lang po talaga yung kailangan. Sa June po second year na ako, ang gagawin ko nalang pipili nalang po ako ng schedules na magwo-work para sa akin.”
Samantala sa “LUV U” ngayong Linggo (January 6), sa wakas ay magkakabati na sina Camille (Miles) at JB (Marco) sa tulong ni Ayen (Karen Reyes) at susubukan naman ni Rocky (Igi Boy Flores) na makipagbati na rin kay Whitney (Kiray Celis).
Mauwi kaya sa isang double-date ang pag-aayos ng apat? Alamin sa “LUV U” ngayong Linggo (January 6) pagkatapos ng “ASAP 2012” sa ABS-CBN.
Related Links and Articles


