'ASAP' turns 18 this Sunday |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 05, 2013 9:48 PM | |
Engrandeng pagsalubong sa taong 2013 ang handog ng “ASAP 18” sa TV viewers ngayong Linggo (Enero 6) sa selebrasyon ng ika-18 anibersaryo ng top-rating musical variety show ng ABS-CBN na pangungunahan ng Miss Universe beauties na sina Venus Raj at Janine Tugonon.
Bukod sa beauty queen showdown nina Venus, at Janine, sunod-sunod na special surprises ang tiyak na ikakikilig ng lahat kabilang ang back-to-back romantic serenade ng ASAP Boyfriendz na sina Daniel Padilla, Khalil Ramos, at Enrique Gil; at ng ASAP POPables na sina Gerald Anderson, Enchong Dee, Rayver Cruz, at Xian Lim. Magpapakilig rin ang hottest Kapamilya leading men na sina Jericho Rosales, Matteo Guidicelli, at Sam Milby.
Hindi naman pahuhuli sa pasiklaban ng talento ang Kapamilya primetime princesses na sina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Ella Cruz, at Julia Montes na may inihandang must-watch K-Pop inspired na production number.
Tuloy-tuloy pa rin ang kasiyahan sa “ASAP 18” sa sizzling birthday bash ng Kapamilya hunk at “Kahit Puso’y Masugatan” star na si Jake Cuenca.
Tunghayan ang isa na namang show-stopping performance sa centerstage sa world-class concert showdown ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga at ng international Pinoy RnB sensation na si Billy Crawford.
Ipagmalaki ang galing ng mga Pinoy sa larangan ng musika sa makatindig-balahibong musical spectacle nina Bamboo, Aiza Seguerra, Erik Santos, Jed Madela, Zia Quizon, Christian Bautista, Vina Morales, ZsaZsa Padilla, at Martin Nievera.
Samantala, abangan din ang pinakabagong dance moves ngayong 2013 sa makapigil-hiningang Supahdance showcase nina Maja Salvador, Shaina Magdayao, John Prats, Iya Villania, at Cristine Reyes.
Punuuin ng good vibes ang bagong taon at makisaya sa ika-18 anibersaryo ng PMPC Best Musical Variety Show na “ASAP 18” ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.
Related Links


