Ted Failon weighs pros and cons of gun ban in the country |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 11, 2013 9:29 AM | |
Ang baril umano ay ginawa upang proteksyon para sa mga tao, ngunit bakit sa halip na proteksyon, mas madalas ay trahedya ang dala nito?
Bubusisiin ni Ted Failon kung ano nga ba ang naidudulot ng pagkakaroon ng baril ng isang mamamayan ngayong Sabado (Jan 12) sa “Failon Ngayon.”
Marami nang naging kaso ng pamamaril kung saan mga inosente ang naging biktima, at madalas ito ay nangyari sa Estados Unidos. Ilang mga halimbawa ay ang Columbine High School shooting noong April, 1999 sa Columbine, Colorado kung saan 15 ang namatay at 21 ang sugatan, ang Virginia Tech massacre sa Virginia Polytechnic Institute and State University sa Virginia kung saan 33 ang namatay at 23 ang sugatan at ang pinakahuling insidente ng pamamaril na naganap sa Sandy Hook Elementary School sa Newtown, Connecticut kung saan sa 27 na namatay, 20 ay mga kabataan na nasa pagitan ng 6 at 7 taong gulang.
Pagdating naman sa Pilipinas, may mga naitala na ring kaso ng pamamaril. Noong January 4 lang ay nag-amok at namaril si Ronald Bae sa Kawit, Cavite. Walong katao ang napatay habang sampu naman ang sugatan. Napatay ng mga pulis si Bae habang siya ay nag-aamok.
40 katao naman ang nabiktima ng ligaw na bala nitong kakalipas na bagong taon ayon sa tala ng PNP.
Oras na ba para sa total gun ban o pagbabawal sa pribadong mamamayan na magmay-ari ng baril?
Sa isyu ng maluwag na gun control sa Pilipinas, lahat tayo may pakialam kaya panoorin ang “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Jan 12), 4:45 PM sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa @Failon_Ngayon. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #FNbaril.
Related Links


