Wednesday, June 19, 2013
Jane Oineza returns to 'MMK' via another challenging role
by ABS-CBN Corp. Comm. | January 11, 2013 9:41 AM | 

Matapos ang kanyang kontrobersyal at top-rating "Maalaala Mo Kaya" episode niyang 'Manika' noong 2012 na tungkol sa isang batang ginahasa sa harap ng kanyang ina, magbabalik-"MMK" ngayong 2013 ang Kapamilya teen star na si Jane Oineza upang muling kurutin ang puso ng TV viewers sa isa na namang challenging role.

Sa episode Sabado (Enero 12), bibigyang buhay ni Jane and karakter ni April, isang dalagitang may sakit na cerebral palsy na pilit namumuhay nang normal sa tulong ng kanyang pamilya, lalong-lalo na ng nakababata niyang kapatid na si Dhayveed (Kyle Balili). Naging sandalan ni April ang kapatid hanggang sila ay mag-aral. Ngunit susubukin ang tatag ng kanilang samahan pagsapit ng high school dahil sa matinding panlalait at panunuksong matatanggap ni Dhayveed mula sa kanyang mga kaklase dahil sa kakaibang kondisyon ng kanyang ate. Sa sandaling talikuran siya ng kapatid, paano haharapin ni April mag-isa ang lipunang mapanghusga sa mga tulad niya?

Sa panibagong "MMK" episode ni Jane, muli niyang makakasama ang writer na si Benson Logronio at direktor na si Nuel Crisostomo Naval na kapwa may likha ng kontrobersyal niyang 'Manika' episode. Ang upcoming episode ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Agatha Lee Ruadap.
Bukod kina Jane at Kyle, tampok rin ngayong Sabado sina Blythe Brillantes, Joshen Bernardo, Bing Davao at Susan Africa.

Huwag palampasin ang isa na namang makabagdamdaming “MMK” episode ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers