'SOCO' details abduction and killing of model Julie Ann Rodelas |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 12, 2013 3:08 AM | |
Bubusisiin ni Gus Abelgas ang pandudukot, panggagahasa, at pagpatay sa modelo at part-time ABS-CBN talent na si Julie Ann Rodelas na ginusto umanong turuan ng leksiyon ng kanyang best friend ngayong Sabado (Jan 12) sa “SOCO.”
Ayon sa kaibigan ng biktima na si Althea Altamirano, sumama ang loob niya sa kaibigan dahil sa pagkakalat nito ng tsismis tungkol sa kanya. Nalaman ng boyfriend nito ang himutok niya kay Julie Ann. Kaya naman, pinlano raw ng boyfriend nitong si Fernando Quiambao Jr. na ipagahasa ang dalaga. Subalit, hindi inakala ni Althea na mauuwi sa pagkasawi ang buhay ng kaibigan.
Paano nauwi sa patayan ang sana’y ‘pagtuturo lang ng leksiyon’ sa 20 anyos na dalaga? Isasadula sa episode ang malalagim na huling sandali ng buhay ni Julie Ann hanggang sa pag-iimbestiga ng mga otoridad sa mga ebidensya at kanyang bangkay sa crime scene na siyang humantong sa pagkakakilanlan at paghuli sa mga suspek.
Huwag palampasin ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ngayong Sabado (Jan 12) pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes nito, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/soco.
Related Links and Articles


