'Bottomline' reveals 2013 predictions for Kapamilya stars and other famous personalities |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 12, 2013 3:11 AM | |
Sa pagpasok ng Year of the Water Snake, buong tapang na ilalahad sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Enero 12) ng kilalang Feng Shui expert na si Marites Allen ang kanyang mga prediksyon sa kapalaran ngayong 2013 ng mga naglalakihang Kapamilya stars tulad nina Kris Aquino, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Angel Locsin, Kim Chiu, Richard Yap, Daniel Padilla, at Coco Martin.
Isisiwalat rin niya kung sino-sino sa mga sikat na personalidad kabilang na ang mga pulitiko ang suswertehin sa darating na 2013 elections. Sa kabuuan, ano nga ba ang mga swerte at kamalasang dadalhin ng Year of the Water Snake sa mga Pilipino? Huwag palampasin ang 2012 PMPC Best Public Affairs Program na “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links and Articles


