Wednesday, June 19, 2013
True love put to test in 'You're Still The One'
by ABS-CBN Corp. Comm. | January 14, 2013 1:13 AM | 

Susubuking muli ang katapatan at tatag ng pusong nagmamahal tuwing umaga sa isang panibagong kuwento ng pag-ibig na tiyak na kakapitan mo sa pag-uumpisa ng Koreanovelang “You’re Still the One” ngayong Lunes (Jan 14) sa bagong Umaganda ng ABS-CBN.

Ang masayang pagsasama nina Nelson at Susan ay hahamunin dahil sa gusot sa negosyo. Masasangkot si Nelson sa isang scam at nahaharap ng pagkabilanggo. Dahil sa pagmamahal sa kanyang asawa ay gagawin ni Susan lahat pero hindi ito sapat.

Dala ng mapaglarong tadhana ay muling papasok sa buhay ni Nelson ang dating kasintahan na si Sheryn na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin para sa kanya.

Malalaman ng dalaga ang problema ng mag-asawa at gagamitin niya ito para sa sariling interes at para maangking muli si Nelson.

Kapalit ng kanyang kalayaan at para malinis ang nadungisan niyang pangalan, aalukin ni Sheryn si Nelson na pakasalan siya para na rin matugunan ang kondisyon ng lolo niya na siya ay makapag-asawa muna bago tuluyang ipamana sa kanya ang kanilang kumpanya.

Papayag ang mag-asawa sa alok dahil magpapanggap lamang sila ni Sheryn habang nabubuhay ang lolo niya. Hanggang saan nila kayang panghawakan ang pag-ibig na unang ipinangako sa isa’t isa? Maging matatag kaya si Nelson o bumigay siya sa pang-aakit na gagawin ni Sheryn? May asawa pa bang babalik kay Susan? Kaninong pag-ibig ang pipiliin?

Ang theme song nga seryeng ito ay pinamagatang ”Alipin Ako” ay inawit ni Liezel Garcia.

Huwag palalampasin ang ”You’re Still the One,” Lunes hanggang Biyernes ng umaga, 9:45 AM sa Umaganda ng ABS-CBN.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedback



'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers