Pokwang achieves new milestone as dramatic actress in 'Aryana' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 15, 2013 11:34 AM | |
Malaking achievement para sa sikat na komedyanang si Pokwang ang mapasama sa top-rating Primetime Bida fantaserye ng ABS-CBN na “Aryana” na mahigit walong buwan nang namamayagpag sa ere.
Ayon kay Pokwang, na naipamalas sa pamamagitan ng "Aryana" ang kakayahan bilang dramatic actress, memorable para sa kanya hindi lang ang role sa fantaserye bilang si Ofelia, kundi ang buong karanasan niya kasama ang buong cast at ng bida nitong si Ella Cruz.
“Sobrang ma-mimiss ko talaga ‘yung bonding naming lahat—‘yung pagluluto ko para sa kanila at lalong-lalo na ‘yung mga eksena namin nina Victor (Tonton Gutierrez) at Stella (G Toengi),” pahayag ni Pokwang. “Hinding hindi ko malilimutan ‘yung mga kulitan at kwentuhan namin ni Ella na itinuturing ko na rin na parang tunay kong anak.”
Samantala, taliwas sa magagandang nangyayari sa career ni Pokwang, sunod-sunod na pagsubok naman ang pinagdadaanan ng kanyang karakter na si Ofelia ngayong hindi pa rin niya nahahanap ang kanyang anak na si Aryana (Ella). Dahil sa kanyang pagbunyag ng panloloko ni Stella kay Victor, paano malalampasan ni Ofelia ang planong paghihiganti nito sa kanya? Matapos ang lahat ng mapapait na kaganapan, mabubuo pa kayang muli ni Ofelia ang kanilang pamilya nina Victor at Aryana?
Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang tagpo sa huling dalawang linggo ng “Aryana,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag “TV Patrol.” Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links


