Kim and Maja 'fight' tops Philippine TV ratings |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 16, 2013 9:16 AM | |
Worldwide trending topic at hari sa national TV ratings ang tinaguriang ‘Gabi ng Katotohanan’ ng de-kalibreng family drama series ng ABS-CBN na “Ina Kapatid Anak” na naganap noong Lunes (Enero 14), kung kailan nalantad ang tunay na pagkatao ng karakter ni Kim Chiu na si Celyn at ang maiinit na sagutan at sampalan nila ni Maja Salvador na gumaganap bilang si Margaux.
Base sa datos mula sa Kantar Media, nakamit ng pagsisimula ng ikalawang aklat ng “Ina Kapatid Anak” ang all-time high national TV rating nito na 36.3%, o halos 14 puntos na kalamangan kumpara sa 22.7% national TV ratings na nakuha ng pilot episode ng pinakabagong katapat nitong programa sa GMA na "Indio." Dagdag pa rito, ang ratings ng “Ina Kapatid Anak” ay halos doble ng primetime teleseryeng “Temptation of Wife” na mayroon lamang 19% national TV ratings.
Bukod sa pangunguna sa ratings, namayagpag rin sa sikat na microblogging site na Twitter ang “Ina Kapatid Anak,” partikular na ang sunod-sunod na mga eksena at komprontasyon ng mga karakter nila Janice de Belen, Ariel Rivera at Cherry Pie Picache. Dahil sa buhos ng emosyon ng netizens kaugnay ng ‘Gabi ng Katotohanan,’ naging trending topic sa Pilipinas ang titulo ng teleserye, samantalang humataw bilang worldwide trending topic naman ang ‘Cherry Pie’ dahil sa de-kalibreng pagganap ng batikang aktres sa kanyang karakter bilang ni Teresa, ang kinikilalang ina ni Celyn.
Sa pagpapatuloy ng ikalawang aklat ng “Ina Kapatid Anak,” ano-ano pang pagbabago ang magaganap sa buhay nina Celyn, Margaux, Liam (Xian Lim), Ethan (Enchong Dee), Beatrice (Janice), Julio (Ariel) at Teresa ngayong nalantad na ang katotohanan?
Huwag palampasn “Ina Kapatid Anak,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Princess and I” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.
Related Links


