'Princess and I' counts down to its last three weeks |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 18, 2013 9:38 AM | |
Simula na ng royal countdown para sa huling tatlong linggo ng top-rating Primetime Bida drama series ng ABS-CBN na “Princess and I.” Eere ang kontrobersyal na royal ending teleseryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Enrique Gil, Khalil Ramos, Albert Martinez, at Gretchen Barretto sa Pebrero 1 (Biyernes).
Bilang bahagi ng engrandeng selebrasyon sa tagumpay ng Kapamilya royal teleserye, tuloy na ngayong Linggo (Enero 20) ang pinakaaabangang “Princess and I Royal Fair: Final Game” sa pagitan ng Team Gino ni Daniel at Team Jao ni Enrique. Bukod sa buong cast ng programa, ang championship match na gaganapin sa SM Mall of Asia (MOA) Arena ay dadaluhan rin ng mga espesyal na bisita kabilang na ang mga sikat na professional basketball player at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) cagers katulad nina Jeric Fortuna ng University of Santo Tomas at Jeron Teng ng De La Salle University na maglalaro bilang guest players sa event.
Huwag nang bibitiw sa huling tatlong linggo ng “Princess and I,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links


