Sunday, November 22, 2009
Judy Ann Santos admits she’s still contemplating about her ABS-CBN contract
by Julie Bonifacio | October 10, 2008 7:09 PM | 

Isa-isang sinagot ni Judy Ann Santos ang mga isyung ibinabato sa kanya sa victory party ng latest movie niya mula sa Regal Films, ang Mag-Ingat Ka Sa Kulam. Una na ang isyu sa kanila ni Robin Padilla. Matatandaan na nagsalita si Robin sa isang interbyu na hindi siya dadalo sa kasal ni Judy Ann at boyfriend nito na si Ryan Agoncillo kapag naimbitahan dahil baka agawin lang niya ang young actress.

Hindi ito nagustuhan ni Judy Ann kaya nagbigay siya ng matatapang na statement laban kay Robin. Kasunod nito, nagpadala ng mensahe si Robin na hindi na siya magre-react sa mga sinabi ni Judy Ann. “Hindi ko na iniisip ‘yun. Kumbaga, masyang-masaya ako. Walang kapantay ang pagigingmasaya ko ngayon. So, whatever happened it was a burst of emotion. Ah, wala na ‘yun. Pinagpasa-Diyos na ng lahat ng tao ‘yun,” lahad ni Judy Ann.

May ginawa ba’ng aksyon si Robin pagkatapos niyang isiwalat ang sama ng loob niya? “Actually, hindi naman na dapat. Ah, nagkataon ng may mga taong hindi makaintindi kung biro man o hindi kung anuman ‘yung talagang nagyari wala na ‘yon. Matatanda na kami para magpatulan pa para sa bagay na ‘yan. Irespeto na lang natin. Baka it is also his way na maging payapa. Kumalma na ang isyu. I appreciate it and I respect that.”

Hindi na ba kailangang mag-apologize ni Robin sa kanya, sa boyfriend niyang si Ryan at sa kanyang Mommy Carol? “Hindi na kasi lalaki pa, e. Mapaglalaruan pa. Okey na ‘yun. kailangangi-deal na lang namin ito as matured people so,okey na ‘yun.” Paano kung magkasalubong sila ni Robin sa isang okasyon? “E, kung anu’t anuman magkasalubong kami. Wala namang problema. Matatanda na kami para harapin ng maayos ang isyung ito.”

Nung tanungin kung meron nga bang namagitan sa kanila noon ng action star, natawa na lamang si Judai. “Hindi, pabayaan na natin ‘yung tao. Ipaubaya na natin sa mga anak niya na kasama niya ngayon pati misis niya. And they want to have a very good vacation in Europe. Let’s give it to them. Huwag na natin silang pag-usapan.” Pero okey lang ba sa kaya na makasama ulit si Robin sa isang proyekto lalo na’t balitang magtatrabahong muli ang action star sa ABS-CBN? “Huwag na muna.Huwag na rin nating pag-usapan ‘yun.”

Sabi rin ni Judai na hindi naging big deal ang statement ni Robin kay Ryan. “Wala,” kibit-balikat ng aktres. “Hindi siya na-hurt. Natawa lang siya. ‘Ano na naman ‘yun?’ sabi lang niya. Si Ryan, e, very matured na mag-isip hindi na nagpapadala sa ganyan. Ako lang ang nadala. And Mommy ko siyempre magre-react ‘yun.”

May mga nagtataka naman kung bakit napakadali nilang ipag-walang bahala ang mga pahayag ni Robin kesa sa naging isyu sa kanila noon ni Piolo Pascual. Ibang usapan naman ‘yun,” diin ni Judy Ann. Paano naging iba? “Mas matanda si Robin, mas bata si Piolo,” tawa ni Judy Ann. Mas madali ba’ng patawarin si Robin kesa kay Piolo?

“Hindi naman. Ano naman, kumbaga, ano lang ‘yun, hindi naman siya masyadong, nabigla lang lahat ng to. Nagkaroon lang ng misunderstanding at hindi na daoat pinagpapatulan. At hindi na dapat pinag-uusapan. Mabubuhay na naman ang isyu. Ako na naman ang matatanong. Ako naman ang haharap. Lagot na naman ako.”

The jealousy factor

Pangalawang isyu ang tungkol sa pagseselos diumano sa kanya ni Angelica Panganiban dahil sa kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. Magkasama sina Judy Ann at Derek sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Humingi Ako Sa Langit. “Talaga?Kasi si Angelica matagal ko na siyang nakasama saisang soap, ‘yung Sa PusoKo Iingatan Ka, and naging magkaibigan din naman kami. I’m sure chismis lang ‘yun. Siguro para may mapag-usapan and everything.” Ina-assure ni Judai na walang dapat ipagselos si Angelica sa kanya. “My God! Ako ‘yung kahuli-hulihang pagseselosan niya sa mundo. If they trust each other, I don’t think they still have to entertain jealousy di ba? It’s a matter of trusting your partner naman, e. If you don’t trust your partner maybe you don’t trust him enough.”

Suddenly nagkaroon ng interes si Angelica sa pagluluto (Click here for the article) at hindi raw kaya si Judai ang dahilan kaya naengganayo si Aneglica na mag-aaral din sa isang culinary school? “Ah, hindi naman siguro. Basta gusto lang din ng bata na magkaroon ng dagdag kaalaman. Bata, kasi 30 na ako, e. I’m sure gusto niyang matuto. Let’s just give that to her. Huwag na nating lagyan ng iba pang isyu.” Paano kung gustong magpaturo sa kanya ni Angelica ng pagluluto? “May bayad ako. Ecthing! Hahaha! Nagkasamakami sa soap for almost one year. Nagkaroon ng time na naging close kami. Pero siyempre ang tao tumatanda. May mga bagong kaibigan na nakikilala. Ako natuwa ako na kahit papano may na-i-share ako kahit konting advice sa kanya and I hope nakatulong. Kung hindi nakatulong sana nakatulong sa pagma-mature niya.”

Nabanggit din ni Judy Ann na dumadalaw sa set ng Humingi si Angelica. “Yeah, she visits the set. I guess, normal lang naman ‘yun sa mga magkaka-relasyon dito sa business ‘di ba? And I appreciate, you know, she says hi to everybody. Hindi naman siyananggugulo sa set and si Derek naman very inspired kapag nandun siya. I guess, nakakatulong siya.” Para kay Judy Ann walang dapat ika-insecure si Angelica. “Hindi ba dapat ako ang mainsecure sa kagandahan ng dibdib ng batang ‘yun ‘di ba?” tawa ni Judai. “Ano lang siguro dapat maging komportable na lang sa kung ano’ng meron ka at sa kakayahan mo. Pero hindi ako naniniwala na nagseselos si Angelica. Napakagandaniyang bata para magselos atang haba-haba pa ng tatakbuhing buhay niya, ‘Day.” Umaasa ang aktres n asana hindi maniwala si Angelica sa mga isyung lumalabas tungkol sa kanya at kay Derek. “Naku, sana huwag maapektuhan ‘yungfriendship natin. Hindi man tayo ganu’n na ka-close sana hindi naman maapektuhan ang friendship natin sa mga ganitong mga lumalabas na isyu. Nakakatawa lang na after so many years na ngayon lang ata ako naisyuhan na may nagseselos. Hahaha!”

Commiserating with Tito Alfie

Pangatlong isyu ang naganap na nakawan sa kanyang manager na si Alfie Lorenzo. Almost P10 million worth ang mga nawala nitong ari-arian. “Ah, kung anu’t anuman, ako kasi naniniwala ako na mas mabuti na lang na walang nasaktan ‘di ba? Mas mahal naman ang buhay ng tao kesa sa mga kasangkapan na nanakaw sa bahay. So, sinasabi ng iba na para kang nasunugan kapag nanakawan ka. Pero kikitain mo naman ulit ‘yun, e. ‘Yung buhay kapag nawala ‘yun hindi ko na makukuha ulit,” paliwanag ng aktres. Happy lang si Judai talaga na walang nangyaring masama sa kanyang manager. “So, nu’ng tinext ako ni Tito Alfie, I just told him na naku, nagpasalamat na lang ako at walang nasaktan. Kung sino man ang nagnakaw noon masama ‘yung ginawa niya pero sana nakatulong.Kunsenya na lang naman niya ang magha-haunt sa kanya sa pagtulog at sana huwag na lang niyang ulitin.”

Pero sabi raw ng manager niya kailangan ni Judy Ann magtrabaho para may pera na ulit siya. “Bakit ako? Bakit ako? Ganu’n ba ‘yon? Hindi ba dapat kaming dalawa angmagtrabaho?” tanong ni Judai. “Tuluy-tuloy naman ang trabaho ko. Para sa akin, para sa pamilya ko. ‘Yung savings ni Tito Alfie savings niya ‘yun. Wala ako’ng kinalaman doon. Maybe tumulong lang ako. ‘Yung donation box, maibabalik ‘yun galing kay God. May mga paraan so, si God na ang magbabalik noon sa mas maayos na paraan. It happened for a reason and I think ‘yung rason kay Tito Alfie, e, alam niya rin ‘yon.”

Delays on her new soap and her contract signing

Pang-apat na isyu na hinarap ng aktres ay ang pagkaka-delay ng teleserye nila ni Derek. “Baka mga next year na. Hindi pa sure. Pinag-uusapan pa. Baka next year kasi inaayos pa namin ‘yung buong istorya. Ako mismo humiling ako ng immersion with the nurses. Though sinabi rin ng mga staff na baka mas mabuti na alamin ko muna ‘yung mga galaw ng mga nurses. Ayoko naman din magbigay ng hilawna arte sa soap. Kahit TV lang ‘yun siyempre dapat karerin ‘yun dahil ayoko na baka sabihin ng tao na sinasabon ko lang ’yung mga gianagampanan ko.”

Pang-limang usap-usapan kay Juday ay ang hindi pagkakatuloy ng contract signing niya with ABS-CBN this week. “Hindi kasi I had to study the contract first. I have to consult this with the lawyers first and siyempre the more na tumatanda ka, the more na you have to be careful with whatever contract na pinipirmahan mo. Pag-aaralan lang, hindi renewal. Hindi naman siyempre kailangan din, you also have to consider the fact and you also have to give it to them na for whatever plans they gave for you in the future kailangan naka-stipulate doon sa contract. Kailangan parahindi magkaroon ng dehado part on both companies, myself and ABS.”

Para kay Judy Ann, gusto lang niya na malinaw ang lahat-lahat. “Kumbaga, ayoko namang sabihinna hindi ko sila (ABS-CBN), ayaw ko naman sabihin nila sa akin, ‘Hindi mo kami inabisuhan orsomething.’ Gusto ko lang klaro ang lahat. Para wala na ako’ng magiging problema. Nasa akin ‘yung contract. Pag-aaralan na lang. Makikipag-meet ako with the lawyers and siyempre I have to think first.” Kasama rin ba sa bagong kontrata niya ang Star Cinema? “Ay, hindi. Kasi may iba pa akong contract dati sa Star Cinema so, hindi pa tapos ’yun. Baka tatapusin din muna ‘yun if ever they want to renew for another contract. Kailangan tapusin muna ‘yung four pictures.”

So sa kanyang pagre-review ng contract does this mean na nakabitin pa kung pipirma siya ulit sa ABS-CBN? “Ah, hindi naman sa nakabitin, inaaral lang. Siyempre kung may negotiation, kung may nagawa mang negotiation with GMAwe still have to consider the fact na sa ABS-CBN ko muna dapat ibigay ’yung konsiderasyon na ipaalam at magpaalam at magsalita at ibigay sa kanila ’yung offer dahil sa kanila naman ako nagsimula.” Aminado din naman si Judy Ann na may offer ang GMA sa kanya. “Meron naman. Matagal na ‘yung talk na ‘yun. Pero GMA FILMS ‘yun. Although I have a very good relationship with GMA. So, ‘yun ang gusto ko’ng i-value at ayokong mag-burn ng bridges sa kahit na anong network. Kasi malaki naman talaga ang naitulong ng dalawang network sa akin.” Nabanggit din niya na ang exclusivity niya sa ABS-CBN ay nakadepende sa magiging usapan nila ng kompanya. “It really depends sa paguusapan kasi may pros and cons naman ‘yung pagiging exclusive contract artist. Meron ding bagay na pwedeng mabago so, malalaman natin.”

The walk down the aisle

Mas mauuna pa kaya ang marriage contract bago ang kontrata niya sa ABS-CBN? Napatawa ng malakas si Judy Ann. “Management contract siguro. Hahaha!” Inassure ng aktres na wala pang kasalan na naganap sa kanila ni Ryan. “Wala pa po. Naku, wala pa talaga. Kung meron lang bakit hindi ko sasabihin. Ano lang, masyado lang aligaga ngayon sa mga dapat umpisahan at tapusing trabaho. Bago ka pa man magsimula ng pamilya alam mo na nag-build pa kami ng maayos na foundation. Mahirap magpakasal na hindi talaga matibay ang pundasyon ninyo.” Hindi pa rin masabi ni Judai ang exact date ng kanilang wedding. “Ay, hindi ko talaga masabi. Ako I wanted na rin mangyari this year. Pero kung anu’t anuman, sana.”

Last week lang sinabi ni Judy Ann na gusto niya ASAP ay ikasal na sila ni Ryan.Bakit biglang nag-iba ngayon? “Hindi, kung kagustuhan lang namin ang masusunod at wala kaming iniisip na kung anumang isyu.bakit hindi ASAP ‘di ba? ASAP kung ASAP. Sino ba namang couple ang ayaw magpakasal agad?E, kung nasa edad na naman kayo? Alam naman ninyo na nasa tama ang pupuntahan ninyo bakit hindi ASAP? Kayalang syempre, iku-consider mo rin kasi ‘yungpagiging praktikal. Emotionally, okey na, e. Financially, ‘yung status naming dalawa hindi kami pwedeng mag-jump into one square nang hindi kami handa tapos pagsisihan namin. So, may isa na kaming anak, nand’yan na si Yohan, so, siyempre ‘yung kinabukasan muna ng mga tao sa paligid namin ang umpisahan namin. ‘Yunna lang talaga.”

Umamin si Judai na dati naiisip niya ang kanyang biological clock, pero ngayon ay nag-iba na ang ihip ng hangin. “Ako, noon may hinahabol ako. Pero sa akin na lang kung ibibigay ni Lord. May nagkakaroon pa nga ng anak na 40, bakit naman ako magmamadali? Kung bibigyan ako ni Lord ng anak I’m sure bibigay Niya ‘yun. Siguro kung hindi enough na si Yohan ang nandu’n. Kasi baka sabi ni Lord baka hindiniyno matutukan ang anak. Tama na ang isa ‘di ba? So, ako ibibigay ko na lang kay Lord kung ano ang gusto Niyang mangyari.” Tiniyak rin naman ni Judy Ann na hindi siya mabubuntis bago siya ikasal. “Nag-promise din ako kay Mommy na kapag naging pregnant ako, I’m married already.”

Speaking of marriage, dahil din daw sa kababanggit ni Judy Ann tungkol sa kasal nila ni Ryan wala raw bagong product endorsement na dumarating sa kampo niya. “Kung anu’t anuman, kung totoo ‘yun o hindi, may mga bagay na hindi pwedeng habang buhay dalaga ka. Alangan namang tumanda ako’ng dalaga? I believe that doors will open and I also haveto fix my personal life as well. Siyempre kailangan mo ibigay sa ibang artista ‘yung pinagdadaaanan mo ‘di ba? Tapos ‘pag naiwan mo na ‘yun, sa ibang aspetoka naman pupunta,” explain ni Judai. “Pero may pumapasok pa rin naman. May mga nagre-renew. So, ako kung anuman ang gustong isipin ng tao wala ako’ng magagawa. Huwag naman nilang ipagkait sa akin na magkaroon ako ng sarili ko’ng pamilya,” tapos ng aktres.

Judai at the ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks
The new generation Superstar explains that her husband Ryan Agoncillo has no exclusive contract with any TV station.
Albert Martinez: ‘Yung pagpanaw ni Johnny Delgado is not good for my wife, emotionally.’
Albert Martinez says that his family is keeping optimistic that his wife Liezl will triumph over cancer.
EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic
ABS-CBN.com gets the scoop about Judy Ann Santos and Piolo Pascual’s brief reunion, Diether Ocampo’s chopper ride, and Angelica Panganiban’s tearful interview.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers