Thursday, May 17, 2012
Roxanne Guinoo denies being the cause of Sid Lucero’s break-up with his girlfriend
by Julie Bonifacio | October 11, 2008 9:24 PM | 

Naiilang si Roxanne Guinoo sa isyung siya ang itinuturong dahilan kaya nakipag-breaak ang co-star niya sa Ligaw na Bulaklak na si Sid Lucero sa non-showbiz girlfriend niya na si Rossie. Dahil dito kinausap ni Roxanne nang personal si Sid about the issue. “Tinanong ko rin siya agad. Pero okey lang. Basta kami kapag trabaho, trabaho. And, wala, e. Ayaw din naman naming maapektuhan ‘yung friendship namin, ayaw ko ring maapektuhan ang relationship nila.And ‘yung problema ni Sid at girlfriend niya ayw ko’ng makialam doon. Pero nagkaroon din talaga ng isyu kasi nga knowing ‘yung girl,hindi niya maintindihan ‘yung sitwasyon. ‘Yung trabaho ni Sid sa showbiz. Maraming name-meet, magulo. Naapektuhan ‘yung relationship. So, damay-damay na ‘yun, e,” pahayag ni Roxanne.

Alam ni Roxanne na di dapat siya mag-react agad kay Sid about the issue. “E, siyemprehindi ako pwedeng magbigay ng violent reaction and wala namang sinasabi si Sid na may ganu’ng sitwasyon. So, feeling ko naman na-settle nila ng maayos.” Ayon sa aktres, sinabi lamang ni Sid sa kanya na di naintindihan ng kanyang girlfriend ang trabaho niya. “Yun nga dahil hindi nga raw naiintindihan ng girlfriend.Siyempre alam ko ‘yungfeeling nu’ng babae. Mahirap naman talaga. Mahirap talagang mag-adjust di ba?”

Naging close raw sila ni Sid nito na lamangmga huling taping nila ng Ligaw na Bulaklak. "Kailangan naming mag-bond dahil napaka-intimateng mga scenes namin.” Nakilala rin naman daw ni Roxanne ang kasintahan ni Sid dahil pumunta ito minsan sa kanilang set. “Oo, dumadalaw siya sa set before. Pero lately hindi na, e.” Alam ni Roxanne na hindi naman talaga siya yung dahilan ng paghihiwalay nung dalawa. “Yung trabaho, hindi ako. Sa work ’yung isyu, e. Hindi sa akin.”

Natawa na lamang si Roxanne nang tanungin siya na baka sakaling magkagusto rin sa kanya si Sid.“Yun ang hindi ko na alam. Baka ganun… hindi rin. Okey lang para may magmahal naman sa akin. Basta ‘yung manlililgaw dapat walang sabit. ‘Yun lang ‘yon.” Considered single na ngayon si Sid, pwede na ba yun? “Manligaw lang sila.Pero si Sid kasi ngayon lang talaga kami nag-start mag-bonding ng sobra like ‘pag nag-uusap kami. ‘Tara, sabay tayong pumunta ng party,’ ganyan-ganyan.So, ayoko munang tanungin ‘yung about sa kanila nu’ng girlfriend niya kung wala na sila o hindi.” So she’s okay kung ligawan man siya ni Sid? “Okey lang. Ako naman, ini-entertain ko naman kapag meron talaga. So, ini-enjoy ko lang ‘yung feeling na ganito. Ako sa mga manliligaw hinahayaan ko lang muna na ganyan. ‘Yung ganyan, may manliligaw. May name-meet ako’ng tao. Kasi ang handa na rin naman ako na makipag-meet pero hindi pa ako handang mag-commit.”

Inamin naman ni Roxanne na magaling magdala ng relasyon ang kanyang co-star. “Marunongmagdala ng babae si Sid, e, sa relasyon, sa lahat. ‘Yun ang isang bagay na pwede mo talagang i-admire sa kanya. Pero right now kasi wala pa naman.” So, handa siya na ipagpatuloy ni Sid ang magandang sampahan nila ngayon? “Nasa lalaki na ’yun kung seryoso ka. Ako naman kapag may manliligaw kung hindi ko talaga gusto, inaanoko naman, e, sinasabihan ko agad.” Naghesitate din si Roxanne nang tanungin kung me chance ba si Sid kung manligaw man ito. “Hindi ko pa masagot, eh. Between 1 to 10? Nasa three. Three pa lang.Kasi ngayon pa lang talaga kami nagbo-bond talaga. Ako masaya kapag kasama ko si Sid. Ang dami ko’ng natutunan doon sa taong ‘yun. Sa akting, may sense ‘yung utak, napaka-smart na tao. Matuto ka talaga sa kanya samaraming bagay.” Sa huli ang masasabi lamang talaga ni Roxanne ay ayaw niyang manghimasok sa problema ni Sid. May mensahe ba siya para sa girflrie ni Sid?“Siguro kung meron man personal na lang. Ayoko ..ganun ko nirerespeto ang couple.”

Sa ibang banda, kumusta naman sila ng ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca? “Bihira nakami magkita. Perowala kaming communication.” Iniiwasan ba niya si Jake? “Hindi naman. Okey lang.Wala kaming communcaton. Nagkita kami sa Star Magic ball, ‘yun lang. Hi and hello lang.” Sabi ni Roxanne wala naman siyang problema sa pakikipagusap ng harapan sa dating boyfriend.“Kaya naman. Pero parang walarin naman kaming pag-uusapan. Alangan namang pagusapan namin ang past namin.” Nasasaktan ba siya kapag nakikitan niyang magkasama sina Jaek at rumored girlfriend nito ngayon na si Bea Alonzo? “Okey lang. Sanayna po ako’ng makita. Every Sunday ‘pag ASAP nakikita ko sila palagi.” Para kay Roxanne tapos na ang chapter ng buhay niyang iyon at wala na siyang nararamdamang kirot sa kanyang puso. “Wala na. Bigla namang nagkaroon ng incident na noong una ko’ng nakita, ‘Ay, oo nga ‘no. Totoo pala ‘yung tsismis.’ So, okey lang.” One year din halos ang naging relasyon ni Roxanne and Jake pero hindi na matandaan ng dalaga kung gaano na katagal silang hiwalay.

Samantala, ang isa pang ex-boyfriend ni Roxanne, si Joross Gamboa, ang sinasabing ka-close niya ulit ngayon. “Isa ‘yan sa party friends ko. Close na ulit kami. Kapag nagkikita kami nagre-reminisce na nga kami, e. Ganun na kami ka-open.” What if si Jake ang maki-reminisce, babalik ba ang sakit? “Wala nang pain! Graduate na tayo diyan. Ako naman ganun. Kapag putol na hindi mo naman kailangang i-close ‘yung tao. Basta hindi mo inaway ;yung tao, huwag na. Huwag na nating lagyan pa ng rason.” Nag-guest si Jake sa bago niyang show na Banana Split. Wala ba siyang na-miss dito? “Wala na po,” nakangiting tapos ni Roxanne.

Roxanne at the ABS-CBN ForumsSend us your feedback

Tags:

ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
Kathryn Bernardo feels like royalty with 'Princess and I' high-ratings
The young actress is thankful to all the viewers who keep the teleserye at the top of the ratings game.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers