Sunday, November 22, 2009
Gab Valenciano admits to exclusively dating Rachelle Ann Go
by MJ Felipe | November 13, 2008 6:42 PM | 

Sabay naming nakita sina Gab Valenciano at singer Rachelle Ann Go na dumating sa concert ni Sarah Geronimo last week, at dito nakumpirma ng ABS-CBN.com na totoo ang mga bali-balitang "exclusively dating" na ang dalawa. “I am not seeing anyone right now except for her (Rachelle Ann), so if you call that exlcusively dating, then yes." pagkumpirma ni Gab. Bakas na bakas ang kaligayahan sa mga ngiti ni Rachelle at sinabing mangilang beses na nga silang nakapag-date ni Gab. Kwela at masaya daw kasama si Gab kaya wala naman daw siyang problema dito.

Matatandaan na naging kontrobersyal din ang paghihiwalay nila Rachelle Ann at ng dati nitong boyfriend na si Christian Bautista. May kumalat pang balita na ilang beses ding nakita sa magkakaibang pagkakataon si Rachelle Ann na may ka-date na isang direktor. Kaya ng tanungin namin si Rachelle Ann kung naka-move on na ba ito, isang masaya at nakangiting "oo" ang nakuha namin mula sa kanya.

Si Gab Valenciano naman ay dati nang nalink kay Nikki Gil. Naging bulung-bulungan din ang paghihiwalay ng dalawa. Nabanggit ni Nikki sa isang interview noon na, "We tried to work it out but I guess we were just too young. Still, I am not bitter nor do I have no regrets since our relationship that lasted almost a year was good until it lasted."

Sa estado nila ngayon, binahagi nila Gab at Rachelle Ann na ine-enjoy lang nila kung ano ang meron sila pero aminado silang gusto nila ang company ng isa't isa. Abangan na lang natin kung saan na hahantong ang "exclusively dating" nilang status.

Rachelle Ann at the ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Judy Ann Santos is looking forward to her movie with Sarah Geronimo
Judy Ann Santos hopes her movie project with Sarah Geronimo will push through next year.
‘Super Inggo at ang Super Tropa’ premieres today
ABS-CBN’s first animated series ‘Super Inggo at ang Super Tropa’ features a star-studded voice cast.
ABS-CBN unveils 2010 show line-up
ABS-CBN is set to premiere ‘Tanging Yaman,’ ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,’ ‘Kokey,’ ‘Rubi,’ ‘Precious Hearts Romances,’ ‘Gimik 2010,’ and more next year.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers