Pinadalhan ng imbitasyon ang Wowowee group to do a show in the northern part of Luzon, particularly in Calasiao, Pangasinan last Sunday, November 16. After Saturday's live show sa ABS-CBN Studio 3, at around 5pm, tumulak na ang grupo papuntang Pangasinan para sa imbitasyon ni Congressman Arenas. Napakasaya ng accomodation, VIP treatment at lahat-lahat ng masasarap na pagkain ay inihain kina Willie Revillame, Saicy Aguila at ASF Dancers ng kanilang host. The next day, maaga pa lang ay umikot na ang motorcade nila Willie sa Calasiao, Bayambang at San Carlos to drumbeat the show later in the afternoon. Ayon sa kwento ng isang source, nagkakaroon ng trapik ang bawat bayan na kanilang puntahan. Iba raw talaga ang karisma ni Willie sa mga tao.
The show was supposed to be at 4:00 'o clock in the afternoon, kaya lang before noontime, halos siksikan na sa loob ng CalasiaoPlaza where the show was going to be held. Nahirapan ang mga kapulisan sa Calasiao sa pagsaway sa mga taong nag-aabang sa backstage, kaya't nahirapan ang mga celebrities na makaakyat sa entablado. Sa opening number pa lang ng ASF dancers, nagtutulakan na ang mga tao, siksikan at balyahan. Sa tindi ng sikat ng araw at umaga pa lang ay nakapila na ang mga tao sa venue, andami tuloy hinimatay habang ongoing ang show. "No'ng paakaytin na si Willie sa stage, nagkakatulakan na. While singing Sayaw,Darling, bigla na lang naging parang alon ang crowd. Balyahan. Tulakan. Walang nagawa ang security dahil sa kapal ng taong dumating," kwento ng aming source.
Supposedly daw ay seven thousand capacity ang plaza, pero halos madoble ito sa mga taong gustong makita sina Willie. "Habang kumakanta si Willie, isa-isang hinihimatay ang mga tao sa harapan. Of course, nakikita 'yon ni Willie at awang-awa siya lalo na't mga babae ang karamihan sa itinatakbo papalabas ng plaza.. Nakikiusap si Willie sa crowd na huwag magtulakan dahil nakakaawa ang mga matatanda, pero walang saysay ang kaniyang pakiusap," dagdag pa ng nakawitness sa kaguluhan. Hanggang sa magdesisyon ang Regional Commander, si Congressman Arenas at maging si Willie na i-stop na lang ang show para maiwasan ang anumang aksidente, gaya ng nangyari sa ULTRA years ago.
Disappointed man ang crowd dahil hindi nila napanood ang kabuaan ng show, maging si Willie ay nanghihinayang na hindi man lang nangalahati ang show ay itinigil na ito. "Mamimigay pa naman sana ng pera si Willie. May inihanda siyang premyo sa Hep,Hep, Hooray! at sa Pera o Bayong. 'Yun nga lang, hindi na itinuloy." salaysay pa ng aming impormante.

