Monday, May 20, 2013
Jennylyn Mercado to Patrick Garcia’s camp: ‘Huwag na silang mag-expect ng kahit ano sa akin.’
by Bernie Franco | December 15, 2008 12:09 AM | 

“Kahit lumuha pa ng dugo” ay hindi umano papayagan ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kanyang dating boyfriend na si Patrick Garcia na makita ang kanilang anak na si Jazz. Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa kung kaya’t naiwang mag-isa si Jennylyn sa kanyang pagbubuntis at wala si Patrick sa kanyang tabi. “Ayoko na nga siyang pag-usapan, eh. Paulit-ulit ko na ngang sinasabi na period wala na siya,” sambit ni Jennylyn.

Nagbitiw pa ng mataray na salita ang nagbabalik-showbiz na aktres nang tanungin kung ano ang gagawin niya kung sakaling makasalubong niya si Patrick. “Hindi ko naman siya iiwasan pero huwag na rin silang mag-expect ng kahit ano sa akin.” Sa ngayon ay mag-isang itinataguyod ni Jennylyn ang anak nila ni Patrick at hindi pa rin sila nagkakaayos, kung kaya’t hindi pa rin nakikita ng aktor ang kanyang anak.

Sa POV portion ng The Buzz kahapon Disyembre 14, sinabi ni Kris Aquino na nagkita sila ni Jennylyn kamakailan sa isang mall at nagkamustahan sila. Magkakilala si Kris at Jennylyn dahil nagkatrabaho sila noon sa isang pelikula. Nang kumustahin umano ni Kris si Jen ang relasyon nila ni Patrick ay tumangging magpahayag ang single mom.

Paliwanag naman ni Boy Abunda, ang reaksiyong ito ni Jennylyn ay may dahilan. “Ang pinanggagalingan ay mga chismis noon na diumano’y itinatatwa o idini-deny ni Patrick ‘yung paternity nung bata. So I think hindi pa rin ‘yan nare-resolve kay Jennylyn,” sabi Boy. “She’s obviously angry. Hell hath no fury like a woman scorned ‘ika nga. Pero I have an advice for Patrick, don’t give up.”

Related Articles

  • Cheska Garcia on Jennylyn Mercado: ‘I don’t like talking about her’
  • Jennylyn Mercado still does not want to talk about Patrick Garcia

    The Buzz at the ABS-CBN ForumsSend us your feedback


  • Kim and Maja reconcile on 'Ina Kapatid Anak'
    What major life changing event will lead Celyn at Margaux to forgive each other?
    44 Kalokalikes ng 'Showtime' battle it out in 'Kalokalike Level Up'
    Watch as the celebrity wannabes unleash their wild personality and charisma for “Kalokalike Level Up,” the look-alike contest’s semi-finals round that will be held over the course of two weeks from May 20 until May 31.
    'Juan Dela Cruz' universe gears up for 'Juan Fun Day' with fans this Sunday
    The 'Juan dela Cruz cast is all set for a grand thanksgiving celebration as they bond with their avid fans in ‘Juan Fun Day’ at the Aliw Theater, 1:00pm, this Sunday (May 19).
    See all articles...

    © 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers