Thursday, May 23, 2013
Wenn Deramas all set to work with Judy Ann Santos for the first time
by Julie Bonifacio | January 24, 2009 8:49 PM | 

Katatapos lang ng pre-production meeting ng box-office director na si Wenn Deramas para sa bago niyang fantaserye na “Batunting” para sa ABS-CBN nu’ng makapanayam ng ABS-CBN.com sa Grams Diner sa ABS-CBN loop last week. Sandamakmak na rebelasyong ang Ibinahagi ni Direk Wenn sa future projects niya with ABS-CBN, Star Cinema Productions at Viva Films.

Right after ng “Dyosa,” magti-taping si Direk Wenn ng pilot episode ng nurserye ni Judy Ann Santos at Derek Ramsay na ‘Habang May Buhay”. “Pilot episode ‘tsaka  week number 2.  Hindi ko alam kung uulitin ‘yung nakunan na dating pilot episode. Hindi pa kami nagme-meeting. Bukas pa ang meeting ko ng alas-tres ng hapon. After that, sige sasagot ako. Pero ang binigay sa akin ay pilot script and then week 2.” Hindi raw makatanggi si Wenn sa offer kahit pa naumpisahan na ito ng ibang direktor. “Ah, paano ba?  Hindi ako makakatanggi dahil okay na kami ni Tito Alfie (Lorenzo, manager ni Judai) at never ko pa’ng nai-direk kahit kailan si Judy Ann kaya ito ang first naming tambalan. O ’di ba maganda ‘yun?” Wala rin daw isyu ang pag-take over niya sa mga unang direktor ng teleserye. “Ah, hindi. Hidni naman nawala si Andoy  (Ranay), eh. Dalawa kami ni Andoy.  Kasi si Jerry Sineneng naman hindi ko siya pinalitan dahil nilipat siya. Siya ang nagsimula. Tapos meron siyang project na kailangang-kailangan siya. I think ito ‘yung Echo-Tintin dahil siya ang direktor ng “Pangako sa ‘Yo” dati. ‘Yun, clear na ‘yon na dahil may gagawin si Jerry at ako naman pagkatapos ng “Dyosa” mahaba-haba pa ang pre-prod ng ‘Batunting.’”

Masayang masaya si Direk Wenn dahil wish din niyang makatrabaho si Judai for the longest time. Known kasi siya na laging si Claudine ang kasama niya sa project. “Oo,  lagi kasi kami ni  Judai kapag nagkikita okay ‘di ba? Kaya let’s face it mas identified ako kay Clau-Clau (Claudine Barretto) dahil lahat naman ng mga shows namin ni Claudine ‘di ba?  So, siyempre ano ‘yun, ef, parang Nora-Vilma ‘yan. Eh, nadikit tayo kay Vilma,” sabi ng direktor. So, si Vilma si Claudine at si Judai si Nora para sa kanya?  “Ang tawag naman kasi kay Judai ‘di ba young superstar? Ah, we’re talking of hay days, ha. Hindi ‘yung present time, ha. O, nasagot ko ‘yun ng magandang-maganda,” esplika ni Direk Wenn.

Excited siya na ang nurserye na ang susunod niyang show sa ABS-CBN at mai-direk si Judy Ann? “Of course, kahit ano tinatanggap ko excited ako. Hindi naman ako tatanggap ng hindi ako excited kasi  magsa-suffer ‘yan. ‘Yung “Dyosa,” Si “Betty La Fea” talaga ang show ko. Tapos biglang nagkaroon pa ng problema sa licensing or whatever. Kasi ang pinu-push dati maipalabas ’yan abroad pero  hindi nangyari ‘yun dahil may “Ugly Betty” sa Amerika.  So, magdo-doble ‘yun. So,  nu’ng time na hindi naman ako pwedeng  maghintay ng walang programa biglang pang-monthly amortization,” nakangiting paku-kwento ni direk. Alam na nina Alfie at Judy Ann na siya ang magdi-direk ng nurserye? “Sila ang unang nag-desisyon. Sila ang unang tinanong.  Bago, nu’ng nag-approve sila saka ako tinanong and I can’t say no.”

Tinanong naman namin si Direk Wenn tungkol sa susunod na pelikulang ggawin niya. May nabalita na ang next project niya sa Star Cinema Productions ay pagbibidahan muli  ng Comedy Concert Queen at Box-Office Queen na si AiAi delas Alas, ang “Anak Ka Ng Ina Mo.”  “Hindi muna, hindi muna kami ni AiAi.  Hindi muna ‘yun ‘yung project niya. Kasi baka siyempre dalang-sawa. ‘Di ba katatapos lang,” na ang tinutukoy niya ay ang “Ang Tanging Ina Nyong Lahat.”  “Naka-P192M na! Nalampasan na ang “A Very Special Love” at “KKK” (Kasal, Kasali, Kasalo).” Pero me kasunod pa dawn a movie sina AiAi. “Meron. Kasi may part three “Ang Tanging Ina,” e. Hindi ko pa alam ang title pero OFW sila ni Uge (Eugene Domingo). Baka mag-July ako ng shoot niyan. Kasi meron ako’ng Uge-Toni (Gonzaga) and Luis ng Sabado de Gloria. Bibigyan si AiAi ng iba.  I’m sure solo ulit niya. Hindi ko pa alam ang title.” Ang movie na tinutukoy ni direk ay ang much awaited solo project ni Eugene. “Basta nag pwede ko pa lang ibigay mag-ina si Luis at si Uge,” kwento ni Direk Wenn sa plot nito. Magsisimula na daw sila agad sa pagshu-shoot nito. “As soon as possible dahil may April 11 na playdate.”

Umpisa pa lang ng taon mukhang punung-puno na ang kalendayro ni Direk Wenn for 2009.  “All in all  pag binilang mo lahat ng magagawa ko this year, apat hanggang, kung kakayanin ng limang serye. Tapos apat na pelikula.” Ano pa ‘yung dalawang pelikual na gagawin niya this year? “Dalawa sa Viva pa. Dalawa sa Star. Hindi pa pwedeng sabihin ‘yung sa Viva. Pero hindi si AiAi sa Viva,” pagtatapos ng direktor.

Related Articles

    The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


‘Be Careful With My Heart’ concerts draw thousands in Los Angeles and Kissimmee
TFC Presents scores back-to-back event winners with Sir Chief,Maya and the gang in U.S. tour
'My Little Juan' pilot wins national TV ratings
According to Kantar Media 'My Little Juan' reached 17.3% national TV ratings last Monday.
Desiree Del Valle and Andi Eigenmann play cousins in MMK this Saturday
Desiree del Valle and Andi Eigenmann will topbill "Maalaala Mo Kaya" this Saturday (May 25) as they take on the roles of cousins Jane and Lyka.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers