Priscilla Navidad on joining Binibining Pilipinas: ‘I want people to see me as a normal person” |
| by Arniel Serato | February 26, 2009 9:58 AM | |
Pormal nang ipinakilala sa press last February 24 ang 24 na kandidata para sa 2009 Binibining Pilipinas. Nagmula sa iba't ibang bahagi pa ng Pilipinas ang mga candidates at may nagmula pa sa San Diego, California. Sa dalawampu't apat na naggagandahang dilag, nakaagaw sa atensiyon ng ABS-CBN.com ang candidate number 10, ang PBB Teen Edition 2 graduate na mula sa Davao na si Priscilla Navidad.
Pagkatapos ng masayang stint niya sa Pinoy Big Brother Teen Edition noon, ito na naman ang dalaga sumasabak sa panibagong hamon ng kanyang buhay. Hindi naging madali sa kanya ang sinalihang reality show noon dahil sa kanyang mahinang pandinig. “Actually I don't want people to see me as I have a disability,” unang pahayag na binitawan ng dalaga habang kausap namin sa Sunset Pavilion ng Hotel Sofitel, Manila.
Hindi na bago sa dalaga ang usapin ng pagsali sa beauty pageant dahil noong 2007, siya ang naging first runner up sa Miss Teen International. “I want people to see me as a normal person, because, of course if I think I am hearing impaired and they will only think that I will win because of it,” paliwanag pa niya ukol sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas.“That's why I don't want them think that I have a disability. So, its not a big deal for me joining beauty pageants.” Madrama ang buhay ng dalaga dahil anim na taon pa lamang siya nang napaslang ang kanyang ama. Labing isang taon naman noong tuluyan na siyang hindi makarinig ng maayos. Idinadaan na lamang niya ang pakikipag-usap sa mga tao sa pamamagitan ng lip reading.
Sa poolside ng Sofitel, masiglang-masiglang rumampa at nakipagsabayan ang dalaga sa iba pang candidates sa pag-po-pose para sa mga photographers at TV crews. Sabi pa ni Priscilla, “For me I haven't prepared yet, all I've done is walking, trying to read more books, because I know I'll learn more in reading books.”

