Yeng Constantino is uncomfortable about performing with Rachelle Ann Go and Sarah Geronimo |
| by Napoleon Quintos | March 07, 2009 8:12 PM | |

After winning as Grand Star Dreamer in the first season of Pinoy Dream Academy in 2006, Yeng Constantino has established her place in the local music industry. This 20-year-old singer-songwriter has made the most requested and bestselling songs like “Salamat,” “Cool Off,” “Time In,” “Pangarap Lang,” and her signature hit “Hawak Kamay.” As one way of saying thank you to her loyal fans, Yeng went online on ABS-CBN.com last Friday, March 6, for a short chat with Kapamilyas worldwide.
During the course of the chat, Yeng revealed her inspiration for making the best heartfelt songs. “Si God talaga inspiration ko. Siya ang dahilan kung bakit gusto ko pang mag ‘go go go’ sa music at ibigay ‘yung best ko. Sunod syempre ‘yung mga fans kasi gusto ko talagang maging mabuting impluwensya sa mga tao. Ayokong mapariwara kayo dahil sa mga kinakanta ko. Sabi ng iba music lang naman ‘yan, kanta lang, an expression of someone’s feelings. Pero kapag pinapakinggan kasi ang music nakakaapekto ‘yan sa character ng isang tao. Kaya as much as possible iniisip ko kayo at nag-strive ako para maging okay sa lahat ng bagay. And last ‘yung family ko. Dahil sa music kumikita ako at natutulungan ko ‘yung family ko. Balak ko rin magtayo ng business in the future.”
This talented musician is a mainstay performer of ASAP ‘09 where she has a segment with young divas Rachelle Ann Go and Sarah Geronimo. Yeng revealed the reason she still gets the cold feet every time she would sing in the YRS segment. “Hindi talaga ako diva. Ayoko rin na makita as a diva. Pero sabi ng ASAP pwede naman daw akong maging diva kaya ginagawa ko na lang ‘yung best ko. Ang galing nung dalawa kaya kinakabahan ako lagi. Pero kapag nasa stage na kami okay na ako. Kapag nasa backstage lang kami bago ‘yung performance sobrang lalim ng hininga ko. Sarah at Rachelle Ann ‘yung kasama ko, e ako wala naman akong ibang alam gawin kung hindi mag-gitara (laughs). Pero ayoko namang sayangin ‘yung tiwalang binibigay sa akin ng mga taga ASAP kaya I make sure na binibigay ko ‘yung best ko.”
Yeng is already working on her third album, and during the chat, she performed “Lapit,” one of her original compositions from the soon-to-be-released CD. In her almost three years in the industry, Yeng said that she had matured a lot, as seen in the repertoire of her next album. “Ayoko nang mage-express ako ng sarili ko lang sa kanta. Gusto ko kapag nagsulat ako ng kanta may importante akong message na ipaparating sa mga kabataan na tumitingala sa akin. Like nung sa second album ko, galing ako nun sa heartbreak kaya sinulat ko lang doon lahat ng masasakit. Hindi ko man lang inisip ‘yung ibang tao.”
While Sarah, Rachelle Ann, and PDA 1 finalists Jay-R Siaboc and Ronnie Liang have crossed over from music into acting, Yeng won’t be seen acting on TV or in movies in the immediate future. “Si Kuya Jay-R umaarte na. Si Kuya Ronnie umaarte na rin. Ako na lang pala ang napag-iiwanan (laughs). Dapat may Maalaala Mo Kaya ako pero pinag-usapan namin ng handler ko. Sabi ko kinakabahan talaga ako kaya huwag muna. Honest ako sa sarili ko at alam kong mahina ako sa pag-arte kaya pass na lang ako diyan. Hindi ko kayang mag-act kasi kinakabahan ako. Pakantahin niyo na ako ng sampung kanta na sunod sunod, ‘wag niyo lang akong paiyakin sa harap ng camera na scripted. Sabi nila rin na ‘yung mga artista hindi talaga sila umaarte. Kung umiiyak sila totoong iyak ‘yun. Kaya sila naiiyak kasi humuhugot sila from their past tapos dinadala nila sa eksena. Hindi ko kaya ‘yun.”
Yeng had her chat on ABS-CBN.com the afternoon Francis Magalona passed away. Yeng told her fans how she was affected by the news about the death of the King of Pinoy Rap. “Nagulat ako. Sayang kasi hindi na ako nagkaroon ng chance na maka-collaborate o maka-jam man lang siya. Sobrang nakakapanghinayang siya. Nakakalungkot pero siguro isipin na lang natin na baka na-serve na niya ‘yung purpose niya dito mundo. Ang dami niyang na-inspire at isa na ako dun.”
Log on to www.ABS-CBN.com

