Gabby Concepcion joins May Bukas Pa |
| by Ivan Cruz | March 15, 2009 11:51 PM | |

Pagkatapos ni John Estrada at Claudine Barretto, kumpirmadong si Gabby Concepcion ang susunod na makakasama ni Santino sa number one teleserye na May BukasPa.
Excited na nagtaping noong March 13 si Gabby Concepcion sa Bacolor, Pampanga kahit sobrang init ng araw na iyon. After Iisa Pa Lamang, balik telebisyon si Gabby na very vocal sa pagka-miss na gumawa ng proyekto sa ABS-CBN matapos ang ilang buwang bakasyon sa US.
Si Gabby ay napabalitang ipapareha kay no less than the Grand Slam Best Actress na si Lorna Tolentino soon sa isang teleserye na kasalukuyang pang binubuo. Ngunit habang hinihintay ng mga Kapamilya ang teleseryeng ito, mapapanuod na siya sa May Bukas Pa bilang isang “magician”.First choice si Gabby Concepcion para sa challenging role na ito at siguradong aabangan ng lahat ang magiging papel niya sa buhay ni Santino.
Related Article
Claudine Barretto guests on ‘May Bukas Pa’
